^

Pelikula nina Janine at JC, Nathalie, ipalalabas sa mga sinehan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

May playdate na ang mga pelikula sa selected cinemas ngayong January.

Ang mga pelikulang ito ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na bida sina Janine Gutierrez at JC Santos.

Mula sa Viva Films naman ang pelikulang Steal at ilan sa bida rito ay sina Ella Cruz, Jennifer Lee at Nathalie Hart.

May mga open na namang sinehan sa mga area na under modified general community quarantine. ‘Yun nga lang, hindi pa rin in full capacity ang audience at maraming health protocols na kailangang sundin.

Pero nariyan pa rin ang online streaming na ginamit na platform noong 2020 Metro Manila Film Festival. ‘Yun nga lang, masaklap ang kinita nito ayon sa mga report.

At least, may producers pa ring nariyan napatuloy sa paggawa ng movies kahit walang kasiguraduhan kung kikita ito.

Tutal naman, puwede pa rin namang mabenta sa Netflix ang produkto, huh!

BTS, magbibigay ng inspirasyon sa kabataan

Ang global superstars na BTS ang latest endorser ng Smart. Pumirma sila para sa Live Smarter, Live with Purpose 2021 campaign.

Ang campaign ay may layuning magbigay inspirasyon sa kabataang Pinoy na mabuhay nang may passion at purpose.

Ang BTS ay kilala rin bilang Bangtan Sonyeondan at ang members ay kinabibilangan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.

JANINE GUTIERREZ JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with