^

Pagpapakasal nina Luis at Jessy, biglang nawalan ng ingay

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

Ano ba ‘yan, tila nawawalan na naman ng ingay ang balitang wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Sari-saring tsika na ang kumalat na may expensive engagement ring na si Jessy pero bakit parang wala pang specific date ang wedding?

Malapit na ang Valentine’s Day, na as usual, nananatiling matatag ang pag-asa ni Ate Vi (Vilma Santos) na one of these days ay darating na ang inaasam-asam niyang apo.

Nakaluhod pa rin ang kongresista at umaasa na magkakaapo dahil siya na lang ang wala pang apo sa grupo ng mga kasamahan niya noong araw.

Agimat gumagana kay Bong

Masaya si Sen. Bong Revilla nang minsang nakakuwentuhan niya ang press kung saan may nangumusta sa agimat niya na bigay ng yumaong amang si Don Ramon Revilla.

Ang kuwento ni Sen. Bong ay ayaw nga raw sana niyang kunin ang agimat pero tinanggap na rin dahil sa pagmamahal sa ama.

Suwerte tiyak ang hatid ng agimat na pamana ng ama dahil nauna na siyang iniligtas  nito sa karamdamang COVID.

Maganda ring balita na malapit nang mapanood ang seryeng Agimat ng Agila na ipalalabas sa Kapuso network.

Sa ngayon, bukod tanging si Sen. Bong na lang ang natitirang matatag na action screen giant, karamihan sa mga kasabayan niya ay hindi na napapanood.

KC, hindi updated

Mukhang delayed reaction si KC Concepcion dahil kung kelan hindi na uso ang bold pictorial, saka naman sunud-sunod na naglalabasan ang larawan niya na super sexy at parang bold star ang peg.

May nagkokomento na baka raw kasi galing abroad si KC at sa tagal na namuhay sa ibang bansa ay hindi na niya alam na hindi na uso ang sexy movies. Kung meron man, mga trying hard starlet na lang na gustong magkapangalan ang naghuhubad sa social media accounts nila.

Teka, sino ba ang nagha-handle ng career ni KC?

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with