^

Mga artista, mas feel na ang lock in!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Maraming artista ang mas gusto na ang lock-in taping at shoo­ting ngayon.

Kasi nga walang hintayan, walang lagare, lahat naroon na sa set, tama ang oras ng trabaho at merong tamang pahinga.

Noong una ay ayaw nila dahil nga malayo sa pamilya, nasa isang lugar lang at parang boring. Ngayon nila nakita ang magandang advantage, hindi naghihintayan, ‘yung umpisa at pagtatapos ng trabaho on time, may pahinga, at nagkaroon pa ng closeness at bonding session ang mga involved sa project.

Ngayon nga lalong nakita ang tunay na ugali ng bawat isa, ‘yung maayos sa gamit, ‘yung burara, ‘yung suplada at ‘yung talagang mabait.

Imagine mo buong isang buwan, everyday nag-uusap kayo sa iisang lugar, bongga, reveal time talaga.

Now pa nakita na puwede palang minimum lang ang tao sa set o sa taping, hindi kailangan ang sobrang alalay. Good job indeed, good discovery. New normal talaga.

Hintay-hintay lang...

Ngayon mo talaga hahangaan ‘yung mga lalaki o babae na naghihintay ng tamang panahon para mag-asawa. ‘Yung hindi nagmamadali na magkaroon ng relasyon kaagad. Lalo pa nga at makikita mo ang mga nangyayari sa mga naging magkarelasyon at nagkaanak, pagkatapos heto at sumbatan na ang kasunod. ‘Pag hindi pa talaga buo ang iyong desisyon, dapat talaga na maghintay, huwag magmadali.

Tingnan mo si Alden Richards, hindi nagpapa-pressure sa kanyang lovelife. Nagiging matagal ang paghahanap niya sa kanyang ‘the one’ pero ok lang, basta dapat sure siya na iyon ang magiging one and only niya.

Sa showbiz nga parang merry go round, sila ngayon, bukas iba na. ‘Yung GF ng BFF mo, bukas ikaw na ang BF. Iyon bang kung naghintay lang, dapat pala kayong dalawa ang magkapares, sana hindi na nagkaroon ng ex ‘di ba?

Hindi dapat magmadali, hintay-hintay lang, then, magiging very precious ang matatagpuan mong para sa iyo.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with