^
Ellen, nahuli sa bahay ni Derek
Ellen

Ellen, nahuli sa bahay ni Derek

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Nagpa-dinner na naman si Derek Ramsay sa bahay niya sa isang posh village sa south of Metro Manila last Monday at isa na naman sa mga bisita niya ang neighbor niyang si Ellen Adarna na pilit na inuugnay sa kanya.

“Nabuking” nga na naroroon si Ellen dahil sa live online interview ni MJ Marfori (TV5 showbiz news anchor) para sa Sa Totoo Lang OnePH show.

Kasama rin sa live online interview na ‘yon si John Estrada na kapareha ni Ellen sa new TV5 sitcom na John en Ellen, pati ang ibang involved sa show na ‘yon.

Nang makatsikahan ko si MJ kahapon, naikuwento niya na bigla lang niyang na-realize na nasa bahay ni Derek si Ellen dahil familiar ang lugar na ‘yon sa kanya.

“Sobrang close kasi namin ni Oscar (Oida, her husband na taga-GMA 7 naman) si Architect Alex Co na gumawa ng bahay ni Derek. Siya rin ‘yung architect ng bahay ni Claudine Barretto, pati ni Julia Barretto.

“So, nakikita ko na ang lugar na ‘yon sa mga video ni Architect Alex, pati sa mga vlog ni Derek, so familiar nga sa akin.

“Pero kahit ninong ng anak ko si Derek, hindi pa naman ako nakapunta sa new house niya, alam ko lang kung saan ‘yon dahil nagpapadala ako ng mga video ng anak ko dahil ninong nga siya,” sey ni MJ.

In fairness to Ellen, nang “ibuking” nga ni MJ na nasa may pool area siya ng bahay ni Derek, hindi naman siya nagkaila dahil mukhang wala naman talaga silang kailangang ilihim ng hunk actor dahil neighbors lang naman sila (sa ngayon? Hehehe).

Tumawa nga lang si Ellen at sinabing sobrang obvious ba?

Pinag-“Hello” rin nila sa nasabing live online interview si Derek at sabi ni MJ, hindi raw pala alam ng aktor na sa show ‘yon ng OnePH at akala ay online meeting lang ng mga taga-John en Ellen.

Marami naman ang kinikilig kung hanggang saan aabot ang closeness nina Derek at Ellen.

Well…

Direk Rico na dyowa ni Alessandra, bongga ang career

Marami na ang excited sa Agimat ng Agila weekly action/fantasy series ni Senator Bong Revilla sa GMA 7. Ang nasabing series ang pagbabalik-TV ng action star/politician.

Nang makatsikahan ko nga kahapon si Direk Rico Gutierrez, inusisa ko siya kung kailan ang pilot telecast nila, pero wala pa raw.  Pero kinumpirma niya na may additional taping day nga sila. “Baka last week of January or February. Malamang one day taping na lang,” sabi ni Direk Rico.

Bongga rin si Direk Rico dahil bukod sa Agimat ng Agila ay siya rin ang direktor ng Catch Me Out Philippines na show nina Jose Manalo, Kakai Bautista at Derrick Monasterio. Nakapag-pilot taping na sila at dalawang episodes na ang nagawa nila.

Siyempre, kung bongga ang career ni Direk Rico sa GMA 7, bongga rin naman ang lovelife niya at obvious na happy sila ng girlfriend na si Alessandra de Rossi.

So nice. ‘Yun na!

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with