^
Ellen ginawang âlegalâ ang paglaya kay John Lloyd
Ellen at John Lloyd

Ellen ginawang ‘legal’ ang paglaya kay John Lloyd

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Tinuldukan na ni Ellen Adarna ang nakaraan niya kay John Lloyd Cruz kung pagbabatayan ang recent post niya sa kanyang Instagram account.

Isang sketch ang nakalagay sa IG ni Ellen na gawa ng may user name na @lynyard_paras. Nakalagay sa tila sketch ang salitang MALAYA at sa caption niya, nakasaad ang, “That’s me. #malaya by @lynyard_paras.”

Isang netizen ang nag-comment ng, “kadiliman days.”

Reply ni Ellen sa netizen, “wag na lang tayong bumalik doonnnn…no entry na daw. Bawal na pumasok hahahaha.”

Matatandaang sa nakaraang mga report, may kapalit na si John Lloyd sa puso ni Ellen. Si Lloydie naman, unti-unti nang bumabalik sa showbiz matapos kumawala ng ilang taon, huh!

ELLEN ADARNA JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with