^

Sila na?! John, happy para kina Derek at Ellen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Hindi na nakatanggi si Ellen Adarna na nasa bahay siya ni Derek Ramsay sa virtual confe­rence ng bago niyang show sa TV5 na John en Ellen with John Estrada. Si MJ Marfori na field reporter ng TV5 ang nakabuking dahil napansin niya na pamilyar ang ceiling ng lugar ng kinaroroonan ni Ellen.

Makikita namang natatawa rin si John at tinanong siya ni Ellen kung ano ang masasabi niya bilang leading man ng aktres sa John en Ellen.

Nagbiro si John and said, “it runs in the family. We’re one big family.” Dagdag niya, “but seriously, just like what I’ve said in my interviews, no? You know, Ellen and Derek are not stepping on anybody’s toes, so I don’t see any problem there. They’re both single, and you know, I mean, they deserve to be happy, so, you know. . .”

Pagbibiro pa ni John kay Ellen, “pakisabi kay Derek, huwag muna siya mai­ngay.”

Tawa lang nang tawa si Ellen. “Naririnig n’yo ba siya?” she asked, and then explained, “no, because he invited to have dinner in his house, that’s why.”

Nakantyawan si Ellen kung puwede raw bang magpakita si Derek at mag-hi kaya tinawag ito ng aktres.

“Derek, mag-hi ka na lang daw, kasi nabuking na ‘ko na nandito ako sa bahay mo,” sey ni Ellen.

Lumapit naman si Derek sa camera at nag-hi. Natatawang paliwanag pa ni Ellen, “ang dami kaya namin dito, hindi lang ako, ano ba?”

Matatandaang nagsimulang ma-link sina Ellen at Derek last week nang ipost ni Ruffa Gutierrez ang mga kaganapan sa dinner party ng aktor. Magkakapitbahay kasi sila kaya naisipan daw ng hunk actor na magpa-dinner.

At hindi pa pala roon natapos ang pagkikita ng dalawa dahil heto nga’t buking na bumalik pa pala siya sa bahay ng aktor.

Well, sabi nga ni John, they deserve to be happy and single naman sila pareho kaya wala namang masama.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with