^

Ken, buong aparador ang bitbit sa taping

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Si Ken Chan ang isa sa nakita naming may pinakamaraming baon sa lock-in taping mula sa damit, mga gamit at pagkain. Matagal daw kasi ang lock-in taping nila ng Ang Dalawang Ikaw, aabot ng isang buwan, kaya ang baon niya, for more than one month.

Ang baong pagkain nga ng Kapuso aktor, tatlong malalaking plastic container yata at nasilip naming kasama roon ang red rice. Maraming junk foods at iba pang pagkain. Ang dala rin niyang damit, buong aparador daw ng mga damit niya.

Halos kumpleto rin si Ken ng appliances, pati refrigerator nagdala, rice cooker, electric fan at kung anu-ano pa. Washing machine lang ang hindi niya dinala dahil wala raw siyang time maglaba.

Pero sabi ni Ken, dream role niya ito at matagal niyang inantay, kaya naman nang i-offer sa kanya at kahit alam na matsa-challenge siya nang husto sa gagampanang role, kanyang tinanggap.

Masaya ang RitKen fans nina Ken at Rita Daniela dahil may aabangan na naman silang teleserye ng dalawa.

BTS at Blackpink, tapatan

Kung may BTS ang Smart as its brand ambassadors, may Blackpink naman ang Globe, kaya labanan ng K-pop idols ang nangyayari sa local telcos natin. Ano kaya ang gagawin ng Smart subscribers na fans ng Blackpink at ano rin ang gagawin ng Globe subscribers na fans ng BTS? Magpapalit ba sila ng cellphone to support their idols?

Maganda sanang malaman kapag natapos ang campaign ng BTS for Smart at Blackpink for Globe kung sino sa dalawang K-pop idols ang nakahatak ng mas maraming subscribers at nakadagdag sa subscribers ng dalawang magkalabang telcos.

MJ, papasang detective

Nasundan na pala ang pagpunta ni Ellen Adarna sa bahay nina Derek Ramsay at ang TV5 journalist na si MJ Marfori ang nakadiskubre. In-interview kasi ni MJ sina Ellen at John Estrada at ilang staff ng sitcom na John en Ellen for promo dahil pilot na ng sitcom sa January 24.

Kaya lumapit si Derek kay Ellen, sabi ni Ellen, “we’re going to be in the news,” biglang layo ni Derek. Pero, nauna na niyang sinabihan si Derek na mag-hi na lang dahil nabuking na nasa bahay siya ng aktor.

Pati si John, napa-comment ng “haha puede ka palang detective @mjmarfori... thanks for having us again.”

Kaya ang netizens, wala pa mang inaamin sina Derek at Ellen, kinumpirma na ang relasyon daw ng dalawa.

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with