^

KC, bubuhayin ang tradisyon nila ni Sharon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Gusto na ni KC Concepcion na ibalik ang dati nilang tradisyon ng Mama Sharon Cuneta niya. Sa latest vlog ni KC, she shared how they used to write short letters for each other. “We used to write with each other every few days and she would tape it on my door and I would tape my letter on her door. Then it stopped.  So, I am aiming to restart the tradition.”

Hindi lamang ang pagpapalitan ng letters ng mag-ina ang mangyayari.  Kahit iyong mga sorpresang madalas nilang ginagawa noong araw ay nagbabalik na rin. 

Matatandaang matapos ang medyo tampuhan ng mag-ina, sinorpresa ni KC si Sharon noong birthday nito last January 6, dumating niya sa Amanpulo, Palawan, kung saan ng-celebrate ng birthday niya si Sharon and her family.  May dalang cake at paboritong pagkain ni Sharon si KC. Isang letter muna ang ipinadala ni KC sa Mama niya: “I love you and I’m so happy to celebrate with you even for a few hours in the island.”

Walang tinatapakan…

Magkatambal sa J&E sitcom sa TV5 sina John Estrada at Ellen Adarna. Best friends naman sina John at si Kapuso actor Derek Ramsay, kaya ito ang natanong tungkol sa isyu na “nagkakamabutihan” na raw sina Derek at Ellen.

“They’re neither committing adultery nor concubinage.  They’re both single, so let them be,” sagot ni John sa isang interview. “Derek is like a brother to me. Kilala ko siya. He is not a playboy. It just so happened that he’s good looking. I don’t see the problem he’s not married yet, anyway. So what’s wrong with that?”

Playgirl ba si Ellen? “I don’t think so. They are not stepping on anyone’s toes. They can do whatever they want as long as it’s legal, so let’ give them a break. Kung gusto nilang maging happy together, pagbigyan natin sila, buhay nila iyon.”

Busy si John ngayon, dahil bukod sa sitcom, malapit na ring mapanood ang bago niyang serye sa GMA Afternoon Prime, ang Babawiin Ko ang Lahat, with Carmina Villarroel.

Juancho, pumapasok na walang tulog

Ngayong graduate na si Kapuso actor Juancho Trivino ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University, nababalikan niya na inabot siya ng 12 years bago nakatapos, dahil isinabay niya ang pag-aartista. Huminto siya for a while pero desidido siyang tapusin ang college kaya bumalik siya sa pag-aaral. “Naging working student ako, doon ko naranasan na pumasok sa klase na halos walang tulog, umiinom lamang ako ng vendo coffee to make me awake,” kuwento ni Juancho. “Kaya ang diploma ko, inihahandog ko sa parents ko and of course sa wife ko, si Joyce Pring.”

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with