_pang-masa
^

Pang Movies

Social media sabog sa pagpasok ng BTS sa Smart

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Social media sabog sa pagpasok ng BTS sa Smart

Ang BTS ang bagong ambassadors ng Smart Communications Inc.

Kaya naman literal na sabog ang social media kahapon matapos i-announce na ang Grammy-nominated music act ang mangunguna sa kanilang campaign na Live Smarter, Live with Purpose.

Bilang newest ambassadors ng Smart, mapapanood ang BTS sa world class ad campaign ng Smart na nakatakdang i-release sa first quarter of 2021 ng Smart.

Layunin ng partnership na ipakita ang suporta ng BTS sa goal nila na ma-inspire ang Filipino youth to live their lives with passion and purpose.

“Aside from their remarkable talent, BTS emerged as the biggest band in the world because of their meaningful and uplifting music that brings hope and encouragement to fans especially in the bleakest of times. It is therefore a big honor to welcome BTS to the Smart family so we may inspire more Filipinos to find purpose in everything they do and ultimately live Smarter for a Better World,”  pahayag ni Mr. Alfredo S. Panlilio, Smart President and CEO.

“Just like BTS who are able to inspire millions of young people all over the world through their music, Smart Prepaid aims to bring about amazing experiences to the Filipino youth through technology to make life easy, fast, and simple. This way, the young generation are empowered to immerse in their interests and succeed with their pursuits,” sabi naman ni Ms. Jane J. Basas, SVP and Consumer Wireless Business Head at Smart.

Andi nanay na uli

Nanganak na si Andi Eignenmann sa kanilang second baby ni Philmar Alipayo. “We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock!

“Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!,” ang buong post ni Andi kahapon habang hawak ang newborn baby boy nila ng professional surfer.

Vice Ganda, binuweltahan ni Sec. Roque sa bakuna

Pinag-usapan din kahapon ang hirit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa choosy statement ni Vice Ganda tungkol sa bakuna last week.

Kahapon sa kanyang press briefing ay sinabi ni Sec. Roque na mali namang ikumpara sa sabong panlaba ang vaccine sa COVID-19. Hirit ni Sec. Roque : “Alam n’yo po,mali naman na ikukumpara yung bakuna sa sabon na panlaba. Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga expert na tatlong batche ng experts pa ang magsasabing puwede natin gamitin ‘yan at magiging basehan para mag-issue ng EUA. Eh sino ang ating paniniwalaan? Siguro po hindi naman komedyante.”

A week ago nang mag-viral ang tweet ni Vice na “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na “Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pupuwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay mayroong prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka doon sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.”

SMART COMMUNICATIONS INC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with