^

Brightlight, masyadong naging maluwag sa paggastos

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

Big lesson din siguro na kaya naging malaki ang production cost ng mga TV5-produced show ng Brightlight Productions ay dahil sa parang ang dami ng casting ng shows nila. ‘Yung Sunday Kada, hindi mo na halos makilala ang ibang stars dahil parang ang dami nila sa frame. Ganundin ang Sunday Noontime Live show nila, parang tambak ang tao at siksikan sa stage, kaya walang moments ang bawat isa.

Sana nga ay hiatus lang ang lahat, dahil talagang big loss kung mawawala ang Brightlight sa mga nagpo-produce ng bagong TV shows at movies.

Now, siguro alam na nila na dapat medyo babaan ang cost of production para madali ang pagbabalik ng investment. Medyo naging lenient lang sila siguro sa simula, pero now, baka medyo mahigpit na rin ang paggawa ng budget.

Dapat na talagang tutukang mabuti para hindi mawala ang interest ni Papa Albee Benitez sa pagiging producer.

Now is the time na maging real sa cost ng bawat programa. Huwag nang magpadala sa biglaan, o dahil akala mo crowd drawer ay magiging income earner din.

Usually, ang iba, maingay lang sa social media pero wala namang loyal followers.

Ara, maraming pinagdaanang kontrobersya sa lovelife

Happy naman ako sa balitang ikakasal na si Ara Mina. Kahit pa nga naging intriguing pa ang love affair nila ng kanyang magiging groom, nagsimula sa kung anu-anong balita, now final na, siya ang ihahatid nito sa altar.

Sa rami ng pinagdaanang controversial romance ni Ara, heto, lalakad na rin siya sa altar. Mabuti naman dahil lumalaki na ang kanyang anak na babae. Magandang lumaki ito na mayroong father figure at merong loving husband ang kanyang mommy.

At long last, magiging tahimik na ang buhay niya sa piling ng kanyang ‘the one’ na matagal din niyang hinanap at hinintay.

Best wishes, Ara Mina, sana maging forever ang happiness mo. 

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with