^

Ziggy nina Dingdong at Marian kumikita na rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

Endorser na rin si Ziggy Dantes dahil kasama na siya ng parents niyang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ate Zia Dantes na endorser ng isang brand ng vitamins. Napapanood na ang TVC na kasama na si Ziggy na dating si Zia lang ang kasama nina Marian at Dingdong.

First endorsement ito ni Ziggy na tiyak masusundan pa lalo na kung mabilis tumaas ang numbers ng views at likes pati ang nagko-comment.

Alden, naiyak nang maalala ang mga audition

Pinaiyak ni Alden Richards ang viewers ng Eat Bulaga sa Bawal Judgmental segment. Ang guests kasi ay talents na nagsimulang commercial endorser bago nag-showbiz at isa nga rito si Alden.

Binalikan ni Alden ang panahong naghihirap pa sila at walang pera. Ang tatay nga niya, kinailangang mag-resign sa trabaho para ‘yung perang nakuha sa kompanya ay ginamit na pampalibing sa nanay niya.

“Noong year na namatay ang nanay ko, doon talaga nagsimula lahat. Doon ko naisip na kailangan kong tulungan ang pamilya ko. Kaya nag-audition ako at madalas, hindi ako natatanggap. Mas mara­ming hindi. Very depressing din kasi siya. Ang kalaban mo kasi ‘yung pagkakataon eh, ‘yung chance. What if hindi ka makuha? But iniisip mo kasi ‘yung puwede mong makuha out of doon sa pupuntahan mong audition kasi that time malaki ng bagay ‘yung magkaroon ka ng kaunting kita,” pagbabalik-tanaw ni Alden.

Gumaralgal ang boses ni Alden nang sabihing “mahirap lang kasi kami,” pero napangiti nang ibalitang P50,000 ang nakuha niyang talent fee sa first endorsement niya. Isinama niya ang pera sa iniipon niya para sana sa kanyang pag-aaral, kaso naoperahan naman siya sa appendix at doon napunta ang kanyang ipon.

Samantala, wala pang balita kung nagsimula nang mag-lock-in shooting sina Alden at Bea Alonzo ng Viva Films at GMA Pictures movie na A Moment to Remember.

Pokwang mas aligaga na sa negosyo kesa sa Showbiz

Nakakabilib ang sipag ni Pokwang dahil bukod sa nauna na niyang negosyo na bottled tuyo, tinapa, laing, Chili Aligui at suka, may sinisimulan siyang chicken business. Tinawag niya itong Mamang Pokie’s Grilled and Roasted Chicken at inihahanda pa lang nito ang ingredients at hilaw pa ang chicken, mukhang masarap na.

Kaya marami sa mga kaibigang artista ni Pokwang ang nagparamdam na gusto nilang matikman ang chicken na luto niya. Kaya gusto namin ang post ni Jasmine Curtis-Smith na excited na siyang mag-order, magbabayad si Jasmine, hindi humihingi.

Katulong pala ni Pokwang sa kanyang negosyo ang partner niyang si Lee  O’ Brian na ang sipag din, siya ang taga-pack ng mga order pati at siya pa rin yata ang nagpapadala.

Ysabel, ayaw paawat sa house tour

Hindi yata aware ang Kapuso talent na si Ysabel Ortega sa payo ng mga taga-showbiz na tigilan muna ng mga artista ang kanilang pa-house tour dahil nag-iimbita sila ng mga magnanakaw. Isang halimbawa rito si Xian Lim na nilooban ang bahay after ng kanyang house tour.

Si Ysabel, nagpa-house tour sa bahay nila sa La Union na hindi lang malaki, magara rin at talagang pangmayaman. Para ngang lobby ng hotel ang sala sa luwag at sa rami ng sala. Ang haba rin ng dining table at ang laki ng swimming pool.

Sabagay, well-guarded tiyak ang bahay nila Ysabel, mahihirapan ang sinumang gustong pumasok. Hindi sila makaka-first base man lang dahil sa military ang kanyang stepdad.

Samantala, tama ba ang nabalitaan namin na si Ysabel ang bagong makakapareha ni Miguel Tanfelix sa bagong project ng GMA 7?

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with