^
âDi pa kasama ang budget sa Magikland... Brightlight mahigit P500 million na raw ang nilabas sa 6 na shows!
Maja

‘Di pa kasama ang budget sa Magikland... Brightlight mahigit P500 million na raw ang nilabas sa 6 na shows!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Three months lang palang napanood sa TV5 ang Sunday Noontime Live (SNL) na kahapon nga ay umere na ang last episode. Kaya naman nagpasalamat ang isa sa mga host nito na si Maja Salvador. “Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL

“Thank you very much Mr. M sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapagdulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!”

Magiging Kapamilya na uli kaya si Maja?

Nagkaroon noon ng slight na ingay ang pagtanggap ni Maja sa nasabing show dahil diumano ay may bargain ito na kung hindi siya papayagang tanggapin ang show ay kailangan siyang bigyan ng guaranteed contract ng Kapamilya Network kahit dumaraan ang network sa krisis matapos itong hindi magkaroon ng franchise, kasabay ng pandemya.

Kasama sa mga poste ng programa si Piolo na may gagawin na raw agad teleserye sa ABS-CBN at si Catriona Gray ay wala pang reaction sa pag-babu ng kanilang programa sa TV5 na ang Brightlight Productions ni former Cong. Albee Benitez ang producer.

Isa lang ang SNL sa anim na programa ng Brightlight Productions na umere sa TV5 na hindi na mapapanood. Ang dalawa pa ay ang I Got You at Sunday Kada.

Tuloy naman ang pag-arangkada sa TV5 ng Rated Korina, LOL and Oh My Dad!

Ang chika, ang laki na raw ng lumabas na pera sa Brightlight. Diumano, umabot na sa more than P500 million ang nagagastos ng kumpanya sa anim na programa na maingay lang daw sa social media pero hindi nagko-convert sa mataas na viewership para maka-attract ng mas marami pang advertisers.

Hindi raw diumano ito maka-recover kahit na nga may commercials dahil ang laki ng production cost ng mga programa plus ang talent fee ng mga artista particular na ang mga galing sa Kapamilya Network.

Hindi rin daw nag-implement ng pay-cut ang Brightlight ayon naman sa isang chika kaya malaki talaga ang expenses.

Nauna nang sinabi ng dating pulitiko na alam naman niyang hindi basta-basta makaka-recover ang mga programa nila dahil kahit raw siya ay naghahanap kung saan napunta ang ibang televiewers. Sinabi niyang makikita sa data na nung nagkaroon ng pandemic at magsara ang ABS-CBN almost 1/3 ng market / audience ng TV ang nawala. “So ‘yun ang hinahanap natin ngayon saan nagpunta ang mga iyon,” pahayag ng negosyanteng dating pulitiko sa last interview namin sa kanya last December.

Six months lang ang contract ni former Congressman Albee as blocktimer sa TV5 at after six months, ang agreement nila ay co-production na with the network.

So matuloy kaya ang original plan na mag-co-prod na sila ng TV5?

Anyway, bukod sa shows sa TV5, si former congressman din ang producer ng pinakamalaking pelikula sa ginanap na Metro Manila Film Festival, ang Magikland. In fact, sa laki ng gastos, hindi na raw siya nagko-compute. “Hindi ko na nga binibilang,” sabi niya noong December.

Basta mahigit P100 million daw.

Ang siste, mabilis na napirata ang pelikula kasama ang iba pang official entries sa MMFF 2020.

Anyway, abangan natin ang mga susunod na programa ng Brightlight.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with