^
Alex at Mikee, last November pa ikinasal
Alex at Mikee

Alex at Mikee, last November pa ikinasal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Officially Mrs. Mikee Morada na pala si Alex Gonzaga dahil ikinasal na sila last November 2020 pa. Ito ang sabay na ibinunyag ng newlyweds sa YouTube vlog ng aktres na in-upload kahapon.

Sa naturang vlog na may titulong “We’re Married,” sabay na ipinakita nina Alex and Mikee ang kanilang wedding ring. “Kinasal na po kami. Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife. Mrs. Morada na ako,” sabi ni Alex.

Ginanap ang kasalan sa bahay nila Alex sa Taytay, Rizal at simple lang daw ang wedding na dinaluhan lang ng kanilang immediate family. “I’m very, very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari. It’s because we wanted to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na ‘yung timing din saka alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate,” sabi ni Alex.

Dagdag pa niya, “masaya kami, alam ko na OA pero masaya. Happily married kami guys. Grabe ang saya! Finally nakakatabi ko na siyang matulog, nakakatulog na siya sa kwarto ko.”

Sa ngayon ay medyo kakaiba raw ang setup nila dahil hindi pa raw talaga sila araw-araw magkasama sa isang bahay. “Weekends lang kami magkasama kasi may work din siya sa Lipa,” sabi ni Alex. As we all know, si Mikee ay kasalukuyang councilor sa Lipa City.

Naaliw kami sa sinabi ni Alex na lagi raw nakadagan sa kanya si Mikee sa pagtulog. “Grabe ‘to matulog, laging nakadagan sa akin. Gusto niya, laging double deck kami,” aniya.

At the end of the video ay mapapanood ang ilang eksena sa kasal nina Alex at Mikee kabilang na ang kanilang wedding vows. At one point ay makikita ring naging emosyonal sila pareho. “When I met you, I was used to people always seeing the bad side in me. But when you came into my life, every day, you keep on making me feel that I am a prized possession. You made me feel like I’m a winner by just being me. And little by little, I am finding peace within myself,” parte ng wedding vow ni Alex.

“Happy ako na ikaw ang binigay sa akin ni Lord. And I promise to take care of you, gaya nung sinabi ko sa’yo nung una kitang tinanong. I promise to take care of you always and to protect you. I love you and thank you for everything,” sabi naman ni Mikee.

Plano ng mag-asawa na magkaroon pa ng isang big wedding this year. “By God’s grace hoping to have a big wedding where we can celebrate with friends and whole family this year,” ang caption ni Alex sa vlog.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with