^

Piolo, gagawa na uli ng serye sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Last episode na nga ng Sunday Noontime Live kahapon at sa nakapansin na hindi nila napanood si Piolo Pascual kahit noong umeere pa ang show, dahil daw ‘yun sa four Sundays lang ang commitment niya sa show. Before 2020 Christmas, hindi na pala ito nagre-report sa SNL at hindi raw totoo na nagbakasyon ang aktor sa States dahil hindi naman siya umalis ng bansa.

Babalik sa ABS-CBN si Piolo at ang balita nga, may gagawin siyang teleserye.

Ang matagal na ring request na pagsamahin sa teleserye sina Piolo at KC Concepcion ay hindi pa siguro mangyayari. Marami pang puwedeng ipareha sa aktor na hindi magiging controversial ang dating.

Nabanggit na kasama sa show na produced ng Brightlight Productions ni Albee Benitez na mawawala ang Sunday Kada, bagay na nilinaw ng writer nito, tuluy-tuloy pa rin ang show ni director Edgar Mortiz, season ender lang ang ipinalabas kahapon. Babalik ang show at nasa letter ni Mr. Albee na mag-i-explore ng “new locales, exciting locations and more laugh in the near future.”

Luis, ‘di pinatawad ang kasal ni Alex

Ang comment ni Luis Manzano sa wedding nina Alex Gonzaga at Mikee Morada ang inabangan ng netizens at hindi sila binigo ni Luis sa comment nitong “Alam naman ni Mikee” sa post ni Alex na “Netizens, we are married.” Hindi nagpatalo si Alex at sinagot si Luis ng “Kaya ka di naimbitahan.”

Ayun, nag-enjoy ang netizens na basahin ang asaran ng magkaibigan na hindi pinatawad kahit kasal ni Alex. Natawa pa ang netizens sa hirit pa ni Luis na nasa ilalim lang siya ng hagdan, nagmamasid habang ginanap ang wedding.

Nakasulat sa location nang pinost na wedding photo ni Alex ang “Home,” na ibig sabihin, sa bahay nina Alex ginanap ang kasal nila ni Mikee.

Coney, ginaya sina Carla at Rhian

Ipinasilip ni Coney Reyes sa Instagram ang location nila sa lock-in taping ng GMA 7 teleserye na Love of My Life. Pati ang bedroom ng hotel sa Tagaytay kung saan sila naka-billet.

Mapapansin na puno ng baon niyang food ang kanyang kuwarto, sari-sari ang drinks at ipinakita rin ang bitbit na mini cooker na nagaya raw niya kina Carla Abellana at Rhian Ramos. Nakita naman natin ang dami ng bitbit ng dalawang Kapuso aktres sa taping at pati nga mini washing machine, nagdala.

Starting this Monday, magsisimula nang mapanood ang fresh episodes ng Love of My Life na dahil sa COVID-19 pandemic, hindi na pinabalik sa taping ang dalawang child actors at pati ang senior actress na si Geleen Eugenio. Kulang na ang cast, mahusay lang ang writers at si direk Don Michael Perez, kaya nagawan pa rin ng paraan na tumakbo nang maayos ang story ng teleserye.

Gladys, hinihintay na lang gumaling ang ama

Nakangiti na si Gladys Reyes sa latest posts niya dahil sa successful ang angioplasty operation ng kanyang ama. Noong isang araw lang, natakot na ibinalitang nito sa halip na angiogram, angioplasty ang ginawa sa ama.

Post ni Gladys: “Our prayers are answered!! It was a successful angioplasty by Dr. Remus Batilaran, Dr. Miranda and their team. Thank you also to his cardio, Dr. Rodolfo for monitoring my papa since day one. 9 hours of waiting and praying paid off!! I didn’t want to leave because I wanted to make sure, my papa will see me after. Thank you to these awesome people who gave me comfort and making sure I was ok. Thank you so much to all your kind words, encouragement from my family, friends who pm’d, even those I don’t know personally, sending DMs, I really appreciate ito so much. God is indeed in control. I don’t know how I was able to surpass all the rollercoaster of emotions being in this situation, but I’m grateful!!! Praying there will be no more complications and that my papa is on his way to full recovery.”

Sa isang post, pinasalamatan ni Gladys ang kapwa INC na si Bernie Glodo na nagsu-supply ng instruments for angiogram and angioplasty. Another blessing sa ito sa kanya, sa kanyang pamilya at sa kanyang ama.

Payapa na ang loob ng aktres at hihintayin na lang nila ng kanyang pamilya ang paggaling ng ama.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with