^
Maymay tuloy ang pagrampa at pictorial sa Dubai, parang ayaw bumalik ng bansa!
Maymay

Maymay tuloy ang pagrampa at pictorial sa Dubai, parang ayaw bumalik ng bansa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Kahit doon galing ang new variant na nakapasok sa Pinas

Trending si Maymay Entrata kahapon. Kasalukuyan siyang nasa Dubai para sa photoshoot for a magazine doon.

At nag-shoot  ito, sa top of the mountain daw habang naka-gown, ayon sa updates ng kanyang followers.

Doon na siya nag-spend ng holidays.

May temporary ban na ang Philippine government ang foreign travelers galing United Arab Emirates and Hungary starting Sunday dahil sa  new variant ng coronavirus na nakapasok na sa bansa.

 Hanggang January 31 umano ang nasabing ban sa nasabing bansa.

Walang mention ang updates ni Maymay kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

But anyway, sabi naman ng OWWA, makakapasok ng bansa ang mga Filipino na manggagaling sa dalawang bansa pero kinakailangan nilang mag-quarantine ng 14-day kahit pa nag-negative ang kanilang swab test. Galing UAE ang unang Pinoy na nagkaroon ng new ­variant ng COVID-19 na nag-umpisa sa UK.

Kung ang iba nga ay local trip lang nung holidays sa takot sa virus, si Maymay ay mukhang enjoy sa Dubai habang nagpi-pictorial kahit na galing doon ang bagong variant ng virus na nasa Pilipinas na nga.

Aktres na may live in, going strong ang relasyon sa ibang ‘papa’

Going strong daw ang relasyon ng isang actress sa kanyang isa pang ‘papa.’ Ayon sa source, sa kabila ng pandemya, madalas pa rin ngang magkita ang dalawa. Aww, hindi kaya sila natatakot?

SNL, I Got U at Sunday Kada, pahinga na sa TV5

 Pahinga na ang programang Sunday Noontime Live (SNL), I Got You at Sunday Kada... ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5.

Last episode na ng tatlong programa today. Ito ang ini-annouce ni Mr. Albee Benitez, CEO, Brighlight Productions kahapon.

“We wish to invite everyone to watch out for the season enders of Brighlight Productions’ Sunday Noontime Live (SNL), I Got You and Sunday Kada on January 17.

“Sunday Noontime Live (SNL)’s delighful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers.

I Got You will re-air its concluding, exciting finale episode in response to numerous requests.

“Sunday Kada will explore new locales, exciting locations and more laughs in the near future.

“Meanwhile Lunch Out Loud (LOL) with Billy Crawford, Alex Gonzaga, and the rest of the zany gang along with veteran broadcaster Korina Sanchez-Roxas of Rated Korina and resident heartthrob of Oh My Dad! continue to brighten our Mondays and Saturdays.

“We are truly grateful for all your support which inspires us to create new and exciting programs.

“Brighter days continue as we collaborate with TV5 and our other industry partners.

“We cannot wait to shre on upcoming shows from your partner in quality entertainment - Brighlight Productions.”

Hosts ng SNL sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador among others.

Ang Sunday Kada... ay ang grupo ng dating Banana Sundae habang ang I Got You ay sina Beauty Gonzales and RK Bagatsing.

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with