^
Barbie naging handa na
Barbie

Barbie naging handa na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Nahirapan man, ayon kay Barbie Forteza ay marami pa rin naman daw siyang natutunan sa pandemyang nangyayari ngayon.

“If there’s one thing na ipagpapasalamat ko sa pandemyang ito ay it made me stronger and more responsible adult,” pahayag ng Kapuso Primetime Princess sa virtual conference ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday last Thursday.

“Kung baga, before kasi, hindi ko iniisip ‘yung future, eh, but since nagkaroon ng pandemic, na-realize ko na ‘ah, pwede palang mang­yari ‘to.’ Pwede pala siyang mangyari. Akala ko, sa pelikula lang nangyayari na biglang nag-shutdown ang buong mundo.

“Buti ngayon ready ako, eh papaano in the future? So, sinimulan ko planuhin, ganyan. I’ve made some plans last year na hopefully this year, ma-accomplish ko, ‘yung mga ganun’g klase.”

Isang bagay din daw na natutunan niya ay mag-save at ­maging concerned sa kanyang health and her family as well. “Natuto akong maging mindful sa mga expenses ko, sa income ko and sa health ng family ko. Kasi dati, parang tine-take for granted ko na ‘ah, nandiyan lang naman sila.’ Pero ngayon na talagang health is wealth, talagang mindful din ako sa health ng family ko at siyempre, ng sarili ko,” she said.

Masaya si Barbie na nagbalik na sila sa taping ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at talagang bago para sa kanya ang konsepto ng lock-in-taping.

Ngayong Lunes, Jan. 18 na mapapanood muli ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa primetime slot ng GMA-7.  

BARBIE FORTEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with