^

Voltes V ‘di raw bibigyan ng kabit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng feedback ng Japanese at Filipinos sa teaser ng Voltes V: The Legacy na ipinalabas ng GMA-7. Ang Filipino fans kasi, teaser pa lang ang napanood, ang iba sa kanila, puro negative na ang reaction. Na sana raw, hindi na lang ginawa ng Kapuso Network ang live action series kundi rin lang nila mapaninindigan.

May nag-comment pa nga na sa teaser at trailer lang magaling ang GMA-7 dahil hindi nasu-sustain ang ganda ng mga show, lalo na kung may involved na special effect, CGI at kung anu-ano pang inilalagay na special effects.

Ang Japanese netizens na nakapanood ng teaser, humanga at gusto rin nila itong mapanood.

Nabasa rin namin ang sagot ni Suzette Doctolero sa fans yata ng Voltes V na nangangamba na baka gawing soap opera ni Suzette at ng GMA-7 ang story ng live action series at bigyan ng kabit ang robot. Aliw ang sagot ni Suzette na “Stop telling me na sana walang kabit. Bakit ko bibigyan ng kabit ang robot??? Lolz. FYI, ang lahat po ng scripts, karakter na dinagdag, mundo at kulturang pinalawig kasama ang Boazanian language ay inaprubahan po ng Japan. Okey???”

Payo pa ni Suzette, hintayin munang maipalabas ang Voltes V bago i-judge at bago sabihing fucked up ang well loved anime.

Pero, alam kaya ng GMA-7 na may naglabas na ng cast daw ng Voltes V? Inunahan na ang kanilang announcement at nakalabas nga na si Miguel Tanfelix ang gaganap sa role ni Steve Armstrong. 

Rayver malabo nang makatrabaho si Janine

Mababasa ang tweet ni Rayver Cruz na “Soar high my love, wil always be your number one fan” na ang tinukoy ay ang pagpirma ng GF niyang si Janine Gutierrez ng kontrata sa ABS-CBN.

Natuwa ang fans nina Rayver at Janine dahil very supportive raw ang aktor sa kanyang GF, biniro nga lang siya ng sister ni Janine na si Jessica Gutierrez dahil pang tito raw ang kanyang message. Hahaha!

Payo ng ibang JanVer fans, bumalik na lang si Rayver sa ABS-CBN para may chance na magtambal sila ni Janine sa TV o kaya’y pelikula sa Star Cine­ma. May kontrata pa sa GMA Network si Rayver at may mga show siya. Kumbaga, wala siyang rason para umalis sa Kapuso Network.

Patuloy siyang host/performer sa All-Out Sundays at magbibida sa Afternoon Prime na Nagbabagang Luha na si Glaiza de Castro na lang yata ang hinihintay na makabalik mula sa bakasyon niya sa Ireland para simulan ang lock-in taping ng teleserye.

Ellen at Ruffa, nagtanungan tungkol kay John Lloyd

May parte pala ng video sa dinner na binigay ni Derek Ramsay sa neighbors niyang sina Ruffa Gu­tierrez at Ellen Adarna na tinanong ni Ruffa si Ellen ng “do you love me?” Sagot ni Ellen, “I love you... but I love him” at nagtawanan na ang dalawa.

Sigurado ang netizens na ang ex nilang si John Lloyd Cruz ang tinukoy ni Ellen na “I love him” na ikinatawa nilang dalawa.

Sobrang enjoy ang lahat ng bisita ni Derek ng gabing ‘yun, may sayawan, kantahan, at tawanan. Nakita naming sumayaw si Derek at marunong pala siyang sumayaw. Si Ruffa naman ay kumanta at si Elllen, nakipagrakrakan kina Derek at mga bisita nito.

It was a very fun night at tiyak na hindi makakalimutan ng lahat na kasama sa party. Dahil nga masaya, hindi nakakagulat kung mauulit.

RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with