^

Jenine, nabigla kay Janella

RATED A. - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Masaya ang veteran singer-actress na si Jenine Desiderio sa kanyang bagong papel bilang yaya ng kanyang kauna-unahang apo na si Baby Jude Trevor Paterson, ang fist child ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson na parehong 22 years old.

Si Jenine at ang bunsong kapatid ni Janella na si Russel ay lumipad patungong United Kingdom noong nakaraang September 10, 2020 para sa panganganak ni Janella na nagsilang noong nakaraang October 20, 2020.

Nabigla man ang singer-actress sa maagang pagbubuntis ng kanyang panganay, hindi naman umano niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang makita niya for the very first time ang kanyang apo.

Although hands-on parents sina Janella at Markus sa kanilang baby, malaking tulong sa dalawa ang presence ni Jenine.

Malamang na sabay-sabay na silang babalik ng Pilipinas kapag bukas na ang biyahe.

Sa United Kingdom nagmula ang bagong variant ng COVID-19 kaya mahigpit ang mga Paliparan sa buong mundo (including the Philippines)sa mga ­passengers na magmumula sa nasabing bansa.

Samantala, sa Pangasinan naka-base ang Filipina mother ni Markus na si Norma Paterson kaya excited na rin itong makita ang apo gayundin ang ama ni Janella, ang veteran singer-musician na si Juan Miguel Salvador.

PJ at Jojo, nasa Viva na

Ang magkapatid na singer-actor na sina Rey `PJ’ Abellana at Jojo Abellana ang mga bagong karag­dagan sa roster of talents ng Viva Artists Agency (VAA).

Ang magkapatid ay lumagda ng exclusive talent management contract with Viva noong nakaraang Miyerkules ng hapon.

Ngayong nasa bakuran na sila ng Viva, umaasa ang magkapatid na mas lalo silang magiging busy sa taong ito sa kabila ng pandemya.

Bukod sa pagiging aktor, associated din si PJ bilang ama ng Kapuso star na si Carla Abellana.

Si PJ ay nagsimulang makilala in 1982 nang siya’y mapabilang sa dating well-followed TV series na Anna Liza na pinagbidahan ng namayapang teen star na si Julie Vega. Sa nasabi ring programa nabuo ang loveteam nila dati ng aktres na si Leni Santos.

Si Jojo naman ay produkto ng youth-orien­ted program na That’s Entertainment ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Sheryl at Jeric, hindi na pinagdududahan

Hindi kami magtataka kung isa sa mga araw ito ay tatawagin na si Sunshine Dizon ng direk dahil nagti-training na siya ngayon kay Direk Mark Reyes na siyang director ng unang proyekto ng Sanggre Productions kung saan isa si Sunshine sa producers along with her former Encantadia co-stars na sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle.

First project ng Sanggre Productions ang series na The Battle of Brody and Brandy, isang romantic comedy na tinatampukan nina Ian Veneracion at Iza Calzado mapapanood sa WeTV Originals.

Samantala, tiyak na matutuwa ang mga sumusu­baybay ng Kapuso TV series na Magkaagaw kung saan tampok si Sunshine kasama sina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales at Klea Pineda. Sa nasabing serye nagsimulang ma-link sina Sheryl at Jeric na agad naman nilang pinabulaanan.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with