^

Pang Movies

Kyline, nawawala ang pa-tweetums kay Nora

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Bawal pala ang inaantok-antok sa set ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit na kinukunan sa San Mateo, Rizal. Wala raw inaantok lalo’t si Superstar Nora Aunor na ang nakasalang sa set.  Maging si Kyline Alcantara ay nawawala ang pa-tweetums kapag nagkikipagpalitan na ng dialogue with Nora. Maging sina Mylene Dizon at Ina Feleo ay todo acting din daw kapag kaharap na si Guy.

Kahit sina Zoren Legaspi at Isabel Rivas ay ayaw paawat sa ilang eksena dahil mukhang real ang akting nila. Hindi rin naman nakapagtataka dahil si award-winning lady director Laurice Guillen ang may hawak sa kanila.

Vice Gov. Mel, mas piniling mag-ayuda sa birthday

Nag-decide si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin na walang bonggang celebration na magaganap sa birthday niya sa January 26. Sa halip daw ay idadagdag na lang niya sa pamimigay ng ayuda sa mga kababayan niya. Hanggang ngayon pala apektado pa rin ang ilang mga kababayan niyang nawalan ng bahay noon, besides bawal pa ang mga pagtitipon dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols laban sa pandemonic attack.

Magbuhat noong manungkulan si Vice Gov. Mel, maraming pagbabago ang naganap sa kanyang buhay. Hindi na niya afford ang social functions but definitely happy naman daw siya pagdating sa pagtulong sa kapwa.

Happy birthday, Vice Gov. Mel!

Dating action star, mas abala ngayon sa pagiging konsehal

Tapos na ang Pasko pero tuluy-tuloy pa rin ang mga humihingi ng tulong sa Baliuag ex-Vice Mayor at No. 1 konsehal ngayon na dati ring action star na si Abel Acosta, Tony Patawaran in real life.

Si Abel ay kasabayan noong araw nina Sen. Bong Revilla, John Regala at Robin Padilla. Nawala lang si Abel noong mag-decide siyang pasukin ang pulitika. Hindi matanggihan ni Abel ang mga mahihirap na kababayan sa Baliuag na humihingi ng tulong sa kanya paminsan-minsan.

May offer siyang para sa isang action teleserye pero hindi niya tinanggap.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with