^

Janine, nag-hello na sa Kapamilya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

“Hello Kapamilya.” Tweet ni Janine Gutierrez kahapon.

Ito ay matapos siyang pumirma ng kontrata with the bosses of Kapamilya Network - Dreamscape head Deo Endrinal, ABS-CBN bosses Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, Ric Tan and her manager Leo Dominguez.

Last December 28 nang ilabas naming wala na si Janine sa GMA 7 at lilipat na nga ng network.

Walang nire-release ang ABS-CBN kung anu-anong mga programa ang gagawin ni Janine ngayong Kapamilya na siya but definitely sa team siya ng Dreamescape ni Deo na may hawak ng malalaking teleserye ng network kabilang na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Iniwan niya sa GMA 7 ang karelasyong si Rayver Cruz na lumaki sa Dos bagong naging Kapuso. Ang mensahe nito kay Janine: “Soar high my love, will always be your number one fan.”

Boy2 Quizon walang gasgas nang salpukin ang sasakyan

Ang laki rin ng damage sa sasakyan ni Boy2 Quizon na binangga sa may Quezon Avenue last Friday, 3:00 a.m.

Nakatulog daw ang nagmamanehong ate ng sasakyan na bumangga kay Boy2 na may kasama sa SUV.

Kaya naman trending agad si Boy2 sa Twitter kahapon.

Hindi naman daw ito nasaktan at ang kasama nito.

Pero ang parang matindi nga ang tama ay ang kanyang sasakyan na wasak ang likod.

Papunta raw ng Timog Area ang actor / producer / director na apo ni Comedy King Dolphy.

Nova Villa, Papal awardee ng Vatican

Ang veteran actress / comedian na si Nova Villa ang ginawaran ng Papal award.

Ayon sa story na lumabas sa veritas.com, June 2019 pa ini-nominate si Ms. Nova ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias para rito kasama ang anim na iba pa.

Ginanap naman ang pagbibigay ng Pro Ecclesia Et Pontifice sa San Lorenzo Ruiz Parish last January 14.

Ayon pa sa interview ni Ms. Nova, ang pagiging aktres niya ay isang misyon na ibinigay sa kanya ng Diyos at hindi niya inasahan na makakatanggap siya pagkatapos ng five decades sa showbiz ng Pro Ecclesia Et Pontifice o pagkilala sa pagsisilbi sa simbahan.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with