^

Marian at Dingdong, pinaghahandaan ang V-day

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

Sobra talaga ang pag-aasikaso ni Marian Rivera sa kanyang Flora Vida shop kasi nga nagagawa niya ito kahit hindi siya lumabas ng bahay. Tutok na tutok din siya bilang mommy nina Zia at Ziggy kaya naman stop muna ang mahabaang taping maliban sa Tadhana.

Very inspiring ang time management na ginagawa ni Marian, pati na ang pagpili ng priorities in life as a woman, wife and mother.

Inspiring para sa lahat ng artista to know na puwede naman palang ma­ging hands-on mother kahit artista ka.

Valentine-ready na ang Flora Vida at delivery by Dingdong, go na.

Siyanga pala may nag-comment na bakit daw paulit-ulit sina Dingdong at Marian sa sa column at Instagram account ko. Usually kasi, ‘yung pagbukas mo ng mga newspaper, lagi rin namang nasa news ang dalawa. Mukha namang press release kung tungkol sa mga alaga ko ang laman ng IG ko. Ang ibang balita naman, parang ayaw kong patulan o bigyan ng opinyon dahil hindi ko naman type sumawsaw sa kung anu-anong issue.

Gustuhin ko man i-IG o isulat iyon tungkol sa ipinapakitang sobrang love ni Diego Loyzaga kay Barbie Imperial, bakit ko naman kailangang pakialaman. ‘Yung ayaw mag-live in nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, eh di ok. ‘Yung muntik nang masagasaan ng truck si Heart Evangelista dahil sa paghabol sa aso niya, cute ’yung story, pero hayun nga, isinulat na. ‘Yung patuloy na pagkalkal nila sa natapos nang romance nina Derek Ramsay at Andrea Torres, nabigyan ko na rin ng sarili kong opinyon.

What else? Saka ‘pag nag-IG at nagsulat ako siyempre ‘yung at the moment thoughts ko ang umaandar, so bakit ko pipiliting mag-IG nang wala naman sa utak ko ‘di bah?

Unfair naman iyon sa akin na para bang dapat ang gusto n’yo ang gawin ko, eh space ko ito. Bakit iba ang dapat kong sundin? ‘Di ba dapat ‘yung gusto ko lang dahil akin ito, space ko ito.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with