^

Sunshine, nawala ang anxiety sa K-drama

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

Aminado si Sunshine Dizon na talagang nagkaroon din siya ng anxiety because of the COVID-19 pandemic. Aniya nang makatsikahan ng ilang entertainment press sa Zoom conference para sa pagbabalik sa ere ng teleseryeng Magkaagaw, natakot siya para sa kanyang mga anak. “To be honest, nagkaroon ako ng anxiety. I remember one time I was driving and I felt like my throat was closing up, thinking of what will happen to my kids.

“It’s really more of a parang mo­therly anxiety na it’s always the kids, eh, ‘di ba? Na how are they going to cope up with the new normal, with their online classes, what will happen to us, because all of a sudden you’re not working and you’re so used to that,” sey ni Shine.

Kaya naman talagang nagdasal na lang daw siya, “maraming-maraming dasal,” aniya.

Natatawa niya pang sabi, isang nakatulong sa kanya nang malaki para maka-cope up ay ang pa­nonood ng Korean dramas. “’Yun ang naging happiness ko nu’ng walang work,” she said laughing.

“And I also tried to learn a lot of things. I read a lot of books about directing, about screenwriting, so ni-refocus ko lang ‘yung attention ko kasi nga, walang trabaho, ‘di ba? So, maghahanap ka lang talaga ng mga bagay para maiba ang pananaw mo,” dagdag niya.

When asked kung anu-ano ang favorite K-dramas niya, natatawa niyang sabi, “lahat ng Lee Min Ho.”

Super fan daw siya ng nasabing sikat na Korean actor at boyfriend ang tawag niya rito.

Kung magkakaroon ng remake sa Pilipinas ang K-dramas, gusto raw niyang gawin ang Sky Castle na matatandang pinalabas sa GMA 7 at isa pa siya sa nag-dub nito sa Tagalog.

Kung ire-remake raw ito ay ‘yung karakter pa rin ni Kim Seo Hyung na siyang isinaboses niya ang gusto pa rin niyang gampanan.

Samantala, last December ay sumabak na nga sa lock-in taping ang buong cast ng Magkaagaw para sa mga bagong episodes. Nang matanong ang cast kung ano ang lesson na gustong ituro ng kanilang karakter pagdating sa pakikipagrelasyon, may hugot ang sagot ni Shine. “Siguro, family is very important. Hangga’t pwede mo pang ilaban para mabuo ‘yung pamilya mo, kailangan mong ilaban ‘yun at huwag magpapatalo sa mga kabit,” saad ni Sunshine.

Natawa si Dion Ignacio at sabi ni Shine, “bakit ka natatawa Dion? Totoo naman, ‘di ba? Hindi ka pwedeng magpatalo sa kanila kasi matutuwa sila!”

Simula sa Lunes, Jan. 18, ay mapapanood nang muli ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime.

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with