^

Lani, bumubuti na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

Nag-post ng kanyang unang selfie for 2021 ang Asia’s Nightingale Lani Misa­lucha. Sa gitna ng naging sakit nila ng kanyang mister last year, nagpapasalamat pa rin si Lani na siya ay buhay at patuloy lang ang pakikipaglaban sa taong ito.

Nagpapagaling si Lani at ang kanyang mister sa vestibular dysfunction sanhi ng pinsalang iniwan ng bacterial meningitis.

Sa kanyang post via Instagram, makikitang naka-red lipstick si Lani at mapapansin na bumalik na sa dating hubog ang kanyang mukha. Senyales na bumubuti na ang kalusugan nito.

Caption ni Lani: “Mag red lipstick kaya ako? Matagal din na lumobo ang mukha ko (pati na rin katawan) dahil sa matagal na pag take ko ng steroids para sa inflammation sa nerves ng brain ko. Kaya pag pasensyahan nyo na ang first fekture (picture) of the year ko dito sa IG bilang lumiit na ng konti ang mukeels (mukha) ko. Sana naman so far happy ang 2021 nyo.”

Maraming netizens ang patuloy na pinagdarasal ang total recovery ni Lani at ng kanyang asawa.

Glaiza, panay ang pakikipag-bonding sa future in-laws

Dahil hindi pa nakakabalik mula sa Ireland si Glaiza de Castro, ginamit niya ang pagkakataong ito na maka-bonding ang pamilya ng kanyang fiance na si David Rainey.

December 14 noong dumating sa Ireland si Glaiza at doon na siya nag-Pasko at Bagong Taon. Mas nakilala ni Glaiza ang kanyang magiging future in-laws sa pakikipag-bonding sa mga ito.

Una nang na-meet ni Glaiza ang family ni David ay noong February 2019 sa England noong 30th birthday ni David at ng kakambal nito.

Sa Instagram account ni David, makikita na enjoy si Glaiza kasama ang kanyang pamilya. Sa isang photo, makikita na naka-yoga pose sina Glaiza at David kasama ang ina, ama at kapatid ni David.

Bukod sa pakikipag-bonding kasama ang kanyang future in-laws, sinulit din ni Glaiza ang kanyang bakasyon sa Ireland sa pamamagitan ng pagbisita sa ilang magagandang lugar doon.

Kapag puwede nang makabalik ng Pilipinas si Glaiza, magsisimula na ito sa lock-in taping ng pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Nagbabagang Luha. Kasama niya rito sina Rayver Cruz, Claire Castro, Mike Tan at Myrtle Sarrosa.

Fil-Am Hollywood comedian, nagluluksa sa pagkamatay ng nanay

Pinagluluksa ng Fil-American Hollywood come­dian Rob Schneider ang pagpanaw ng kanyang Filipino mother na si Pilar Monroe Schneider.

Sa kanyang Instagram post last January 13, nilagyan niya ito ng caption na: “My mother Pilar Monroe Schneider passed away peacefully after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side.”

Kinuwento pa ni Rob ang makulay na buhay ng kanyang ina na survivor ng World War II sa Pilipinas. Lumaki raw ito na hindi nakilala ang kanyang American father at sa first three years ng buhay nito ay inalagaan siya ng tiyahin nito dahil ang ina nitong si Victoria ay nagkasakit ng smallpox.

Nabuhay daw ang pamilya ni Pilar noong panahon ng Hapon sa pagtahi ng pajamas na ang kapalit ay kamote para may makain sila.

Nakapagtapos ng kolehiyo sa UST si Pilar bago ito nag-migrate sa US in the ‘50s at nakakuha pa ito ng master’s degree sa Pacifica, California kung saan nagtrabaho ito bilang teacher for 30 years.

Masaya si Rob dahil nakakasama ng kanyang ina ang ama niyang si Marvin Schneider na unang pumanaw.

Unang napansin si Rob bilang hotel bellman sa 1992 comedy na Home Alone 2: Lost in New York.

Pinagbida si Rob sa mga comedy films na Deuce Bigelow: Male Gigolo, The Animal, The Hot Chick at The Benchwarmers. Nakasama rin siya sa mga Adam Sandler films na Big Daddy, Grown-Ups, 50 First Dates, The Waterboy, Little Nicky, Click at Hubie Halloween.

GLAIZA DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with