^

Diego, pinakilig nANg todo si Barbie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

Natawa kami sa comment ng netizen pagkatapos makita sa Instagram page ni Barbie Imperial ang sorpresa sa kanya ng boyfriend na si Diego Loyzaga. Makikita sa IG page ni Barbie na inayusan ang bahay niya ng mga bulaklak at balloons, tapos ‘yung trellis, nakasabit ang mga litrato ng mag­dyowa.

Sinulatan ni Diego ng caption ang bawat litrato at ang nabasa namin ay “How happy you make me” at “My Princess.” Makikita rin ang petals ng white flowers na nakakalat sa sahig at may lighted candles pa sa loob ng bahay.

Pero, ang isang netizen, sa halip na kiligin sa effort ni Diego for Barbie, ang tanong ay “Sino maglinis pagkatapos diyan?!??!” Sagot sa kanya, baka gusto niyang siya na lang ang maglinis para hindi na siya mamroblema. May nag-comment din na baka ‘yung team na nag-decorate sa bahay ang siya ring maglilinis.

Anyway, ang daming naiinggit kay Barbie at  showbiz friends, at sana raw, makahanap din sila ng gaya ni Diego. Ang pangako ni Diego, umpisa pa lang ang pa-surprise niya kay Barbie at may mga susunod pa.

Lalo pang masaya sina Diego at Barbie dahil pabor ang mom ni Diego kay Barbie. Minsan nga, sumama pa siya sa date ng dalawa at dito sa surprise ni Diego sa GF, nag-comment ng “When I see you happy, I am happiest.”

Anak na si Joshua ni Kris, sa Tarlac na gustong tumira forever

Sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng kanyang socmed followers kung nasaan si Josh dahil matagal na nilang hindi nakikita? “Maligaya po si kuya josh sa Tarlac... ayaw na pong bumalik dito, ang panganay ko ay talagang masaya, payapa, at masigla sa kanyang pagbubuhay probinsya.” Sa isa pang nagtanong sa whereabout ni Josh, ang sagot ni Kris, “hindi ko mapauwi- he’s in Tarlac, he said he’s staying there forever. He’s happiest there.”

Siguradong pagbalik ni Josh sa Manila, magugulat na naman tayo dahil nadagdagan na naman ang kanyang height. Ilang inches na lang ang lamang niya kay Bimby at feeling ni Kris, mas tatangkad pa si Bimby kay Josh.

Sa napanood naming latest video ni Kris, mukhang nasa condo sa may BGC pa rin sila nag-i-stay at hindi pa nakababalik sa kanilang bahay. Hindi pa nito naikuwento kung bakit hindi pa sila umuuwi ni Bimby sa bahay nila, gaya ng pangako.

Kelvin, mas sisikat daw

Tama kaya ang feels ng fans na sa mga bida ng The Lost Recipe na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos, mas sisikat daw si Kelvin. Ito’y kahit marami nang nagawang shows at series sa GMA 7 si Mikee, kesa kay Kelvin na ngayon pa lang magbibida.

Ang paliwanag ng fans kung bakit nasabi nilang mas sisikat si Kelvin ay dahil dadalhin siya ng female fans. Sila ‘yung mga kinikilig at nagkaka-crush kay Kelvin at nababasa nga namin na tututukan nila ang fantasy-romance series dahil kay Kelvin.

But of course, may supporters din naman ang love team nina Kelvin at Mikee at mas darami pa sila kapag nagsimula na ang airing ng The Lost Recipe na magpa-pilot sa Monday (January 18), 8 p.m., sa GMA News TV.

Ex ng fiancé ni Ara, ayaw paabala sa bashers

May mga pangalan ng mga taga-showbiz na nabasa naming nag-congratulate kay Ara Mina sa engagement nito kay Dave Almarinez. Nababasa rin namin ang pangalan ng iba sa kanila na nagko-comment sa Instagram page ng ex ni Dave.

Hindi naman siguro magtatampo si Ara at kahit ‘yung ex ng fiance ni Ara na may common friends sila na masaya kung ano man ang meron sa buhay nila ngayon. Maganda ang ginawa ng ex ni Dave na i-set sa “Comments on this post have been limited” para hindi na sila magulo ng bashers.

Samantala, may follow-up post si Ara sa kanyang engagement at sabi, “Until now, I still couldn’t believe I am already engaged...

“To my future husband @davealmarinez, thank you for opening up your heart not only to me, but to my little girl @myamandagabrielle as well.”

Sa engagement nina Ara at Dave, kasama nila si Mandy at ang ganda ng eksena na niyakap ni Ara ang anak after ng kanyang engagement.

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with