^

Pang Movies

Mga holdaper, naglalaway sa mga yaman ng vloggers

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Hindi na nakakapagtaka kung bakit niransak ang mala-palasyong bahay ni Xian Lim sa Antipolo. Imagine, marami-rami raw mga kagamitan niya sa bahay ang nadala ng mga magnanakaw.

Well, moral lesson na ito sa mga artistang mahilig mag-display ng kanilang wealth, especially sa mga YouTuber.

Sa panahong ito ng taghirap, talagang maglalaway ang mga masasamang tao na makakulimbat nang hindi nila pinaghirapan.

Mapapansing wala na ring respeto ang mga tao kahit sa mga artistang hinahangaan nila.

Hindi nga ba nabiktima rin ng snatcher si Vina Morales? Hinabol pa ng aktres ang snatcher ng cellphone sa EDSA para bawiin sana ito pero ‘di na naabutan.

Naku tigilan na rin ang mga pagdi-display ng mga Hermes, Gucci, Louis Vuitton at iba pang mamahaling kagamitan dahil magiging mitsa lamang iyan ng buhay lalo na ‘pag namataan ng mga holdaper ngayong hirap sa buhay ang karamihan

Rochelle, pride ng SexBomb

Naiangat ni Rochelle Pangilinan ang mundo ng dating kinabibilangang grupo, SexBomb. Umani ng maraming datung at papuri noon ang producer-manager nila na si Joy Cancio at naisalba niya ang mga miyembro ng SexBomb, pero hindi lahat ay bed of roses ang feeling sa mundo ng pagsasayaw. All of a sudden ay nawala ang oras ng seryeng Daisy Siete sa GMA nang okupahin na rin ng Eat Bulaga ang timeslot nito.

Mabuti na lamang at magaling umarte si Rochelle at naibandera sa publiko ang pride of SexBomb hanggang sa aktingan. Sunud-sunod ang naging raket nito sa GMA kahit dyowa na ang aktor na si Arthur Solinap. At least, pinatunayan nitong hindi lang sa pakembot-kembot magaling ang ibang taga-Sexbomb kundi may ibubuga rin sa aktingan.

Congrats…

Congrats kay Manay Cristy Fermin na napiling Best Female Newspaper Columnist Entertainment or Opinion ng Guild of Educators, Mentors and Students o GEMS Awards para sa kanyang column sa Pilipino Star NGAYON na Ubos.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with