Derek at Ellen, pinaglalaruan pa rin!
Derek at Ellen

Derek at Ellen, pinaglalaruan pa rin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Tuloy pa rin ang pagpipista ng netizens sa naganap na dinner sa bahay ni Derek Ramsay. Present sa dinner sina Ruffa Gutierrez, Ellen Adarna at iba nilang non-showbiz friends.

Todo reto ang ilang netizens kina Derek at Ellen dahil sa cheesy photos nila na umiikot online. Pumalag na rin si Ruffa na neighbor-friend niya lang si Derek at walang romansahan sa kanila na inilabas niya sa kanyang hashtag na #IbaAngMahalKo. Sinakyan na lang ni Rufing ang komento ng isang netizen na, “Sila-sila na lang din nagpapalitan ng jowa.”

Buwelta ni Ruffa, “It’s a small world after all.” Naging ex-boyfriend ni Ruffa si John Lloyd Cruz na naging ex-boyfie rin ni Ellen. Naging ex-GF din ni John Lloyd si Angelica Panganiban na ex-girlfriend ni Derek.

Naku, hayaan na lang natin sila kung saan sila maligaya, ‘no?

Ara, pinaiyak ng fiancé

Umiyak si Ara Mina habang isinusuot ang engagement ring sa daliri ng fiancé niyang si Dave Almarinez last January 12 sa isang lugar sa Laguna.

Si Dave. 46, ay ang Presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation na may rank na undersecretary.

Ex-provincial board member din siya sa Laguna.

Samantala, 41, ay may six-year-old daughter sa dating boyfriend na si Patrick Meneses na vice mayor ng Bulakan, Bulacan.

Deserve ni Ara ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya, ‘no?

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with