Kris, nanghinayang na âdi naka-dinner ang pamilya ni Derek
Kris

Kris, nanghinayang na ‘di naka-dinner ang pamilya ni Derek

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Guess what, kasama pala dapat si Kris Aquino sa pa-dinner ni Derek Ramsay last weekend na viral nga ngayon ang mga videos na ipinost ni Ruffa Gutierrez. Pero hindi raw siya nakadalo at sa halip ay ang kanyang bunsong anak na si Bimby lang ang nakapunta.

Sa kanyang Instagram post kahapon, ipinaliwanag ni Kris kung bakit hindi siya nakadalo sa dinner party.

“Bimb & i were supposed to have dinner w/ the Ramsay family last weekend, unfortunately the unpredictability of my autoimmune manifestations (migraine, the chronic spontaneous urticaria, and the fatigue) struck and as much as i wanted to & tried to- i just couldn’t make myself get out of bed,” ang bahagi ng caption ni Kris.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya kay Derek sa pag-entertain kay Bimby.

“@ramsayderek07 thanks for making bimb feel so welcomed & i really appreciate our 16 years of friendship... hearing from him how tight knit your family is & for him to say, the 2 of us would definitely have been out talked (yes, sinabi nya mas madaldal & opinionated kayo) made me regret missing that experience,” pahayag pa ni Kris.

Ang nasabing dinner party ay kontrobersyal ngayon dahil sa harutan nina Derek at Ellen Adarna na nakita sa mga post ni Ruffa bagama’t nagpauna naman na ang ate ni Richard Gutierrez na wala raw malisya ‘yun.

Sa ayaw at sa gusto nila ay nahaluan na nga ng malisya dahil nali-link na ngayon sina Ellen at Derek at panay ang kantyaw sa kanila ng netizens.

Ken, parang sasabak sa giyera

Handang handa na si Ken Chan para sa lock-in taping niya sa bago niyang serye sa GMA 7 na Ang Dalawang Ikaw kung saan ay kapareha niyang muli ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

Sa kanyang IG Story ay ipinost ni Ken ang essentials na dadalhin niya sa lock-in taping na tatagal ng ilang linggo. Talaga namang parang sasabak sa giyera si Ken dahil six na storage box ang kanyang dala na puno ng pagkain at toiletries at tatlong maleta ng mga damit na kanyang gagamitin.

Ayon kay Ken ay siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin. Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa lock-in shoot. Matatandaang una niya itong naranasan nang mag-shoot sila ni Rita ng kanilang debut film na My First and Always last year sa gitna ng pandemic.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with