^

Ara, may pangako sa mapapangasawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Present sa marriage proposal ni Usec. Dave Almarinez kay Ara Mina ang friends ni Ara na sina Dingdong Avanzado at wife nitong si Jessa Zaragoza. May post nga si Jessa para kay Ara na sabi, “I’m so happy for you my sister! @therealaramina. Congrats on your engagement. We were so overjoyed to be part of this significant milestone in your life.”

Present din sina Sunshine Cruz at ang boyfriend nitong si Macky Mathay na brother ni Ara.

Marami ang nag-congratulate kay Ara sa kanyang engagement at kabilang dito si Sharon Cuneta na itinuturing ni Ara na kanyang ate.

Sorry Ara, pero mas heartwarming ang post ni Dave tungkol sa inyong engagement na ginawa sa San Pedro, Laguna. Sinimulan sa pagko-quote sa isang line sa isang movie na hindi binanggit ang title.

“When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible.”

“This movie quote speaks true and hit me right to the core! I always admired you from the beginning- from all the things that you do for your family, to every single inch of kindness you give to others.

“You @therealaramina is God’s greatest gift to us.

“Thank you for standing by my side through all the joys and hardships. You inspire me to be at my very best everyday. You are my guiding light to conquer all my fears. Thank you for saying yes to build milestones together with me.

“Forever your number 1 fan... I love you, Hazel!”

Ang sagot ni Ara sa post ng kanyang fiance ay “I will love you for all the days of me life.”

Ruffa, nagbago ang isip sa HT

Pinalitan ni Ruffa Gutierrez ang una niyang hashtag na #ibaAngMahalko ng #LifeIsShort #BeHappy sa litrato nila ni Derek Ramsay na magkasama sa dinner hosted by Derek sa kanyang mga kapitbahay sa Ayala, Alabang.

Nag-comment pa naman sina Sunshine Cruz at Harlene Bautista na love nila ang HT ni Ruffa, pero sagot nito, “I changed my mind.” Kung bakit pinalitan ni Ruffa ang ginamit na HT, siya lang ang nakaaalam.

In fact, nabasa rin ng netizen ang original HT ni Ruffa at may nag-comment ng “Si JL (John Lloyd Cruz) ang mahal ni Ruffa” na sinagot nito ng “Ang lumaa!” Pati ang nag-comment na “sila sila na lang ang nagpapalitan ng jowa (dahil ex pareho ni JL sina Ruffa at Ellen,” sinagot ni Ruffa ng “it’s a small world after all.”

Mark, nagseseryoso na sa career

Matutuwa nito si Lolit Solis dahil mukhang tuloy ang pagle-level up ng talent niyang si Mark Herras pagdating sa pagtanggap ng ginagampanang role. Natatandaan namin, sa Descendants of the Sun, hindi goody-goody ang role niya rito dahil kasama siya ni Neil Arce sa mga kontrabida.

Sa Maalaala Mo Kaya na airing sa Saturday, kontrabida na naman ang role ni Mark na nambubugbog ng babae, at may sexual abuse pa at gagawa pa ng ibang kasamaan. Bago ito sa supporters ni Mark at sana, i-pursue pa niya dahil sabi nga ni Lolit, nagkakaedad siya at magiging tatay na naman dahil manganganak na ang GF niyang si Nicole Donesa.

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with