Susan, pinagsuspetsahang na-COVID

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Ni-reveal ng Unang Hirit host at broadcast journalist na si Susan Enriquez na na-confine siya sa ospital noong May 2020 dahil sa pneumonia. Three days daw siyang na-confine sa COVID-19 ward dahil pinagsuspetsahang nahawaan siya ng naturang virus. Naging traumatic daw ang experience niyang iyon dahil sa ospital siya nag-birthday at wala siyang kasama.

Pero lumabas na negative siya sa COVID-19 at nakalabas siya agad ng ospital at nag-quarantine na lang sa kanyang bahay. Kaya naging mas maselan ngayon si Susan sa kalinisan dahil hindi raw natin alam kung kelan tayo mahahawa sa sakit. “Dapat lagi tayong magiging malinis sa ating sarili kasi tama naman ‘yun, e. Lagi namang may virus, laging may bacteria, laging may germs. Nagkataon lang na napakatalas nitong COVID-19. Siguro ‘yun ang hindi dapat nawawaglit sa atin. Lagi tayong conscious about our hygiene,” diin pa niya.

Pati raw sa pagkain, mainam ang kumain ng mga sariwang gulay at prutas para lumakas ang resistensya ng katawan sa anumang sakit. Kaya sa kanyang farm, lagi raw nag-aani si Susan ng mga tinatanim niyang mga gulay. “Most of my weekends talaga ay sa farm. Kasi marunong ako magluto. Halimbawa, ang plano ko, ‘pag may bunga na ‘yung mga gulay maggigisa ako ng amplaya, patola, tortang talong. Yung mga pagkaing Pinoy kasi ‘yun lang naman ang kaya kong iluto dahil hindi naman ako chef, hindi naman ako nag-aral ng culinary. Gusto ko i-promote ang healthy diet, ang healthy food, healthy lifestyle. ‘Yun ang gusto ko mangyari at magawa. May awa ang Diyos, e, magawa ko ‘yan sa 2021.”

Magtatayo rin ng mini cafe sa kanyang mini farm si Susan na ang nasa menu ay mga sariwang gulay na tinanim niya.

Mark at Nicole, handa na sa panganganak

Ready na ang engaged Kapuso stars na sina Mark Herras and Nicole Donesa sa pagsilang ng kanilang baby boy na may nickname na Corky.

Sa kanilang YouTube channel, na may 127,000 subscribers, pinakita ng celebrity couple ang health precautions na sinusunod nila para maging safe ang delivery ng baby nila. Ayon kay Nicole, puwede na siyang manganak anytime.

Kapwa nagpa-RT-PCR or Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test at home for COVID-19 ang dalawa at negative sila sa COVID-19. Isa raw kasi sa requirement ito bago i-admit sa ospital si Nicole.“Nasa tamang position si baby boy, bumaba na talaga s’ya, and very healthy s’ya. Tama ‘yung timbang n’ya, ‘yung pwesto n’ya, lahat,” sabi ni Nicole.

Nakatanggap na ng maraming gifts si Baby Corky sa naging baby shower ni Nicole kaya halos kumpleto na ang lahat ng kailangan nito sa baby room.

August 2019 nang kumpirmahin nina Mark at Nicole ang kanilang relasyon. Sa set ng teleseryeng Bihag sila unang nag-meet. June 2020 nang ma-engage silang dalawa habang naka-quarantine. September 2020 nang i-reveal nila na magkaka-baby na sila. Second baby ito ni Mark. May seven-year old daughter siya na si Ada Nicolette Herras mula sa dating karelasyon na si Diane Evangelista.

SUSAN ENRIQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with