Mikael at Megan, naka-isang dekada na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Happy 1st Wedding Anniversary to the Kapuso couple Mikael Daez at Megan Young last January 11, kasabay nito ang pagsi-celebrate din nila ng 10th year as a couple. Sa Instagram post ni Megan: “One year married to my Fofo and officially 10 years together.  Sabi ko kay Fofo, it’s crazy how we’re growing old together. We sat in silence for just a bit, thinking about the days and years ahead.  I then looked at him and we were both teary eyed.  Cheers to more years together!! Looking forward to our future – Lola Bonez and Lolo Fofo!”

Mikael for his part, kept his greeting short and sweet in an Instagram post showing some of their photos, he wrote: “Happy 10th, Madam Bonez.”

January 11, 2020 ikinasal ng dalawang beses sina Mikael at Megan, ang intimate wedding ay ginanap sa Caleruega Church in Batangas at 10 members lamang ng family ang nag-attend at ang second wedding ay sa Subic, Megan’s hometown for their friends and other relatives.

Nakalipat na sina Mikael at Megan sa Subic, Zambales. Hindi naman malayo kung may work sila sa Manila. May bagong show na sisimulan si Megan sa GMA Network at napapanood ngayon si Mikael sa Love of My Life gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA 7.

Glaiza, ramdam ang kaligayahan ni Angelica

Masaya si Glaiza de Castro for Angelica Panganiban dahil nakakita na ang kanyang BFF ng new love kay Subic-born yacht designer na si Gregg Homan. Nagulat nga raw siya nang mag-announce ang aktres sa kanyang Instagram last January 1. Hindi raw kasi sila nagkakausap ni Angelica dahil wala siya sa bansa at nagbabakasyon sa Ireland sa family ng boyfriend niyang si David Rainey. “Kaya nagulat ako sa announcement niya, pero happy ako na talagang natagpuan din siya ng taong magmamahal sa kanya,” sabi pa ni Glaiza sa isang interview. “Sa palagay ko naman ay perfectly matched sina Angelica at Gregg. Swak at compa­tible sila sa character at interest nila.”

Alam ni Glaiza ang mga pinagdaanan ng kaibigan pagdating sa lovelife nito.

“Sa lahat ng hirap at sakripisyo, sa lahat ng mga iyak, hindi naman laging ganoon ang kakaharapin niya o mai-experience niya, siyempre, lahat iyon may kapalit. Kaya happy ako kasi, she deserves to experience itong love na ito.”

MEGAN YOUNG MIKAEL DAEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with