^

Time heals…

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

People mellow with time. Siguro kung noon may pagka-confrontational ako, now I let go. Kung ano ang gusto ng ibang tao, ok lang sa akin. Hindi tulad noong younger pa ako na ilalaban ko hanggang matanggap ng kausap ko ang punto ko.

Now I learned na kanya-kanya tayo ng taste, kanya-kanya tayo ng paniniwala. I also learned to respect and accept na hindi lahat ay puwedeng maniwala sa isang bagay, lagi na merong pros at merong cons. But somehow ‘pag pinabayaan mo, nakikita rin nila, o ikaw ‘yung totoo na dapat gawin.

Time heals, time decides... Hindi man lahat puwedeng burahin ng panahon, nagagawa nitong pagaanin ang pagtanggap mo. Maliban na lang kung isa kang one sided na tao, na biased na sa umpisa pa lang, you see what is right or wrong later on.

Life is really an eye opener for people na bukas ang utak at puso sa lahat. So we enjoy life as is given to us. Nasa atin kung mag-succeed tayo o mabigo. And we have to be thankful for whatever outcome our choice have given us. Life is good. God is good all the time. 

Sen. Sherwin kailangan ng tagatago ng credit card

Kaloka naman ang nangyari kay Sen. Sherwin Gatchalian na na-scam / na-hack ang kanyang credit card at naipambayad ng P1M sa order na alak. Naku mukhang lasinggero ‘yung gumamit ng credit card dahil P1 million worth ng alak ang ginetlak na kung ininom niya lahat iyon, hanggang ngayon lasing pa siya.

Mabuti na lang at na-discover agad ito ni Sen. Win Gatchalian para makapag-ingat ang lahat.

Imagine, isang senador ang nagawan ng ganito, ‘di lalo na ang mga ordinary card owner. Pero siyempre, iba naman ang credit limit ni Sen. Win noh, mas mataas, kaya ok ‘yung charge na P1M dahil alam na kayang bayaran. ‘Pag iba siyem­pre, i-double check din kung sino ang guma­gamit ng credit card.

Naku, dapat talagang mag-ingat, dapat si­guro meron nang Mrs. Gatchalian na taga-tago ng credit card, para hindi mawala o ma-scam. Dapat kay Papa Sherwin ay mag-asawa na ‘di ba, Anna (na secretary ni Sen. Sherwin)?

Matagal pa ba ang wedding bells nila ni Bianca Manalo?

SHERWIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with