^

Mga ex ni John Lloyd, nag-bonding

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

Nagsama sa isang party ang dalawang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na sina Ruffa Gutierrez at Ellen Adarna nitong nakaraang mga araw.

Kasama rin sa party sina Derek Ramsay, John Estrada at iba pa na sa Instagram post ni Derek, nakasaad ang caption sa litrato na kahalakhakan niya sina Ruffa at Ellen, “Love thy neighbors! Great fun guys! @iloveruffag @maria.elena.adarna @john_estrada @jtlaurel @samanthaamigolaurel @bella121 @rlacdao.”

Ginawan naman ng intriga ng netizens ang closeness nina Ellen at Derek. Sa comments section, ayaw pang tantanan ang aktor tungkol sa ex-GF niyang si Andrea Torres.

Komento naman ni Ruffa sa IG ni Derek, “Love thy neighbors! Hmmm…parang LOVE THY WOMEN is more bagay.”

Reply naman ni Derek sa bumabanat sa kanyang netizens, “Unfollow na lang pls. Tnx.”

Marian, hinahanda na ang mga ibebentang bulaklak sa V-Day

Kahit January pa lang eh, ikinakasa na ni Marian Rivera ang flower arrangements ng Flora Vida by Marian para sa Valentine’s Day.

Pinasilip ni Yan sa kanyang Instagram ang sample ng bulaklak na perfect gift ngayong Valentine’s Day.

Sa totoo lang, kahit walang TV series, kumikita pa rin si Marian kahit nasa bahay lang dahil sa negosyo niya at endorsements na kadalasan ay sa bahay niya sinu-shoot!

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with