^

Alden, may bubuksang bagong negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

May bubuksan palang bagong negosyo si Alden Richards, nabanggit niya ito nang mapag-usapan ang pagsasara ng Concha’s Garden Cafe branch sa may Quezon City. Hindi nga lang nagbigay ng clue kung ano.

Sa isang tweet ni Alden, may pinost na photos ng different sandwiches at parang gambas. Ang caption  sa photo ay “Coming soon...” at wala nang ibang sinabi at hindi sinagot ang tanong ng kanyang fans.

May nag-comment na parang new business ang binanggit ng actor na “coming soon...” at may humula na ngang parang Tapas bar ang kanyang tinutukoy.

Tama kaya ang fans ni Alden sa kanilang mga hula?

Anyway, speaking of Alden, mapapanood na sa January 17, ang virtual concert niyang Alden’s ­Reality na unang na-stream last December 8, 2020.

Marami kasi ang hindi nakapanood sa concert, kaya nag-request sila sa GMA Network kung puwedeng ipalabas sa telebisyon ang concert at heto na nga, sa January 17, 7:40 p.m.sa GMA 7.

Diana, tutok muna sa baby

Ang sisipag naman ng producers ng Sanggre Inc. Productions na sina Sunshine Dizon at Karylle.

Si Sunshine ang associate director ni director Mark Reyes sa The Battle of Brody and Brandy series na produced ng Sanggre Inc. at siya ang may hawak ng second unit. “Direk Sunshine” na ang tawag sa Kapuso aktres dahil sa bago niyang trabaho.

Kasama rin si Karylle sa mga producer ng Sanggre Inc. at siya naman ang EP o Executive Producer at ikinatuwa ni Sunshine ang pagdalaw niya sa taping.

Si Iza Calzado naman na isa rin sa producer ang bida sa series katambal si Ian Veneracion.

Sa WeTV Philippines mai-stream ang  The Battle of Brody and Brandy na limited  for eight episodes.

Co-producer din si Diana Zubiri, pero dahil may inaalagaan siyang baby, hindi muna siya active sa kanilang second project. Siguro naman sa mga susunod nilang project, magtatrabaho rin behind the camera sina Diana at Iza, kapag sina Karylle at Sunshine naman ang mga bida.

Xian, raraket sa dating show

May kapalit na project kay Xian Lim ang nangyaring panloloob sa kanyang bahay last week. May bago siyang TV show, produced ng Viva TV at mapapanood sa TV5. Si Xian ang host ng dating game show na 1000 Heart Beats Pintig Pinoy. 

Franchise ang show na nabanggit na hindi pa namin alam kung saang bansa nanggaling, nilagyan ng Pinoy flavor, kaya kasama sa title ang “Pintig Pinoy.” Nagsimula nang mag-taping si Xian, kaya any day now, mapapanood na ito.

Nag-post si Xian ng litrato niya habang nasa taping ng dating show at nabanggit na malapit na itong mapanood. Comments ng netizens, bagay kaya sa actor ang mag-host ng show.

Samantala, hindi na nagbigay ng update si Xian sa ginagawang imbestigasyon sa nangyaring panloloob sa kanyang malaki at magandang bahay. Hindi na nito ipinaalam kung magkano ang halagang nawala at kung ano pa ang nawala bukod sa nabanggit nitong four TV sets.

Ang daming expensive things sa sala ng bahay ni Xian, batay sa napanood namin sa kanyang house tour. May mga figurine siyang ipinakita at paintings at iba pang bagay na mamahalin. Kasama kaya ang mga ‘yun sa nadekwat ng mga magnanakaw?

Alice, ayaw pa rin ipakita ang mukha ng asawa

Chance na sana ng followers ni Alice Dixson na makita ang face ng kanyang foreigner husband dahil nag-post ang aktres ng litrato niya kasama ang ilang foreign friends at kasama ang kanyang husband. Kaya lang, mukhang hindi pa ready si Alice na ipakita ang face ng mister dahil sa dalawang pictures na kanyang pinost na kasama ito, parehong nakatakip ang mukha ng kanyang mister.

Ang makikita lang sa litrato ay ang goatee nito, pero sabi ng netizens, kahit nakatakip ang mukha ng husband ni Alice, aninag pa rin na guwapo ito. May nagtanong tuloy kung bakit niya itinatago ang mukha ng kanyang asawa?

Samantala, malapit na ang premiere ng Legal Wives, ang cultural drama ng GMA 7 na kasama sa cast si Alice. Gaganap siyang isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo na kinabibilangan din nina Bianca Umali at Andrea Torres.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with