^

Matteo at Kim, magiging abala sa born...

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

Masayang-masaya pareho sina Matteo Guidicelli at Kim Molina sa bagong tiwala na ibinigay sa kanila ng Viva bilang bagong hosts ng reality singing competition na Born To Be A Star which started in 2016 at kung saan nagmula ang bagong Theme Song Diva na si Janine Teñoso.

Sina Matteo at Kim ay unang nagsama bilang judge detectives sa nagtapos na local franchise ng Masked Singer Pilipinas also produced ng Viva, TV5, Cignal TV and Sari-Sari.

Bukod sa kanilang bagong hosting job, sina Matteo at Kim ay may magkahiwalay ding movie projects na ginagawa sa Viva Films.

Ang unang season ng Born To Be A Star ay ipinalabas noong February 6, 2016 at nagtapos noong May 29, 2016 with Shanne Dandan as the first grand winner. The show was hosted nina Ogie Alcasid, Mark Bautista at Yassi Pressman habang isa sa mga original judge si Andrew E. at kasama niya noon sina Pops Fernandez at Rico Blanco.

Ang Born To Be A Star ay konsepto ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario.

Samantala, magandang birthday gift sa singer at Viva recording artist na si Janine Teñoso ang kanyang pagkakasali sa reality singing competition na ito bilang isa sa celebrity judges na kinabibilangan din nina Andrew E., Sam Concepcion, Katrina `Suklay Diva’ Velarde (na isa sa mga contestants ng Masked Singer Pilipinas bilang Diwata) at ang artistic director and choreographer na si Teacher Georcelle Sy.

Janine turned 22 noong nakaraang Lunes at hindi pa rin siya makapaniwala na mapapabilang pa rin siya sa Born To Be A Star bilang hurado, ang singing competition na kanyang pinagmulan noong 2016 bago siya kinontrata ng Viva.

Bea, Gerald at Julia, naka-move on na nga ba?

Tulad ng rumored sweethearts na sina Gerald Anderson at Julia Barretto, unti-unti na ring nagiging open sa publiko sina Bea Alonzo at ang kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque na kamakailan lamang namataan sa isang Japanese restaurant sa Bonifacio Global City in Taguig City. Namataan din ang dalawa na magkasama sa Baguio last year kasama ang ilang kaibigan.

Pare-pareho nang nakapag-move on sina Bea, Gerald at Julia pagkatapos ng controversial breakup in 2019 nina Bea at Gerald na kung saan ang itinurong dahilan ay si Julia.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with