^
Direk D, inaasahan ng maraming gustong sumikat

Direk D, inaasahan ng maraming gustong sumikat

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

Kilalang-kilala si Direk Johnny Manahan as Mr. M. Now na si Direk Lauren Dyogi na ang big boss ng Star Magic may nagsabi na bagay din na tawagin siyang Mr. D.

At tulad ng mga naging successful talents ng Star Magic nun under Mr. M, sure na inaasahan din na magkakaroon ng mga silat at mahusay na mga talento under Mr. D .

Ngayon pa nga lang, ang dami nang mga kabataan na gustong pumasok sa showbiz ang umaasa na makapasa sa panlasa ni Direk Lauren Dyogi.

Hoping din ang marami na magtatagumpay basta nahawakan ng mapagpalang kamay ni Direk Lauren. Na tipong magbibigay katuparan sa kanilang mga pangarap.

Kaya ngayon pa lang alam mo na magiging tagumpay ang pamamahala niya sa Star Magic tulad nang ginawa ni Direk Johnny Manahan. From Mr. M to Mr. D.

Ending ng kuwento ni Christine, inaabangan

Kelan kaya matatapos ang saga ni Cristine Dacera? Parang mula nang mamatay siya, hanggang ilibing, nandun ang controversy. Hindi nakaranas ng katahimikan ang pamilya Dacera dahil hanggang ngayon hindi nila alam ang tunay na nangyari sa kanilang anak. How sad for a mother to lost her child in a very intriguing manner.

Not knowing paano namatay, ano ang nangyari, at bakit? How sad din sa mga suspects na malagay sa ganitong klase ng pangyayari. Hindi mo alam kung ano at bakit nangyari. Bagong taon, nagbago lahat ang buhay nila. Kelan matatapos, kelan malalaman ang katotohanan? Kelan matatahimik si Cristine? Kelan makikita ng mga magulang niya ang hustisya? Kelan malilinis pangalan ng mga suspects? Ano ang ending ng istorya na ito o magkaroon kaya ito ng ending.

LAUREN DYOGI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with