_pang-masa
^
Sen. Chiz ayaw kumandidato sa 2022, gusto na lang umasa kay Heart!

Sen. Chiz ayaw kumandidato sa 2022, gusto na lang umasa kay Heart!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

Sa bagong YouTube vlog ni Heart Evangelista ay sinagot ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero ang katanungan ng marami at ito ay kung tatakbo ba siyang Presidente sa 2022 elections. “No. I have no plans of doing so,” sagot ni Sen. Chiz.

Tanong ni Heart, “why?” at sagot ulit ng kanyang mister, “no money, no resources, not my time, and I am happy where I am.”

Dagdag niya, “you have to want it, actually. So those who are running who say that they don’t want it, it’s not that accurate. You have to want it before you can actually decide to run, actually run a campaign, and be the president, the governor, congressman, or senator.”

Sakali mang tatakbo raw siya ay tatlo ang kanyang choices.

“Either I run for governor again, not run, or run for the senate if I have the numbers,” he said.

Nagbiro rin siyang pwede rin daw na umasa na lang siya kay Heart at sabi naman ng aktres ay ayaw niya ng ganu’n. “Ayaw mo nu’n, ako ‘yung pang-lima or anim na aso?” pagbibiro pa ni Chiz.

“No, ayoko ng ganu’n. Kailangan, busy ka kasi mape-pressure ako,” sey ni Heart.

Tinanong din ng aktres ang asawa kung bakit ito tumakbong Vice President noong 2016 elections. “I guess for two reasons. Because I thought I had something to offer and I wanted to offer myself. And number two, I wanted to get it over and done with.

“Para tapos na. Eh di pag natalo ka, tigilan na ‘yung ‘tumakbo kang Presidente,’ ‘tumakbo ka ng ganu’n’, wala na, tapos na. Wala ka nang what-ifs.”

Sinabi rin ng Senador na sa bawat pagtakbo niya ay hindi niya ipinagdadasal na manalo siya dahil alam niyang kung ano ang kagustuhan ng Diyos ay iyon ang mangyayari. “I ran in seven elections, won in all six except for one. Sa lahat ng election ko, hindi ko ipinagdasal na manalo ako.

“Marami akong hinihingi sa Diyos, marami akong ibang bagay na  pinagdarasal sa Diyos,  pero hindi isa ‘yun sa pinagdarasal ko sa Diyos mula nun’g simula – na manalo ‘ko sa eleksyon.

“I always pray in relation to elections that I’m running for, for His will to be done. For Thy will to be done. Mahirap namang hilingin ang isang bagay na makakasama pala sa ‘yo, sa pamilya mo o sa bansa, o sa lahat ng tao.

“Mas maganda na ‘yung ginawa mo lang ‘yung kaya’t pwede mong gawin, tapos bahala na, mangyari ang mangyari.

“It’s easier to accept if it was not given to you because you didn’t ask for it. It’s also easier to embrace and be more confident because you would know that if it happened in accordance with your prayer, it was in accordance with His well as well,” pahayag pa ni Sen. Chiz.

CHIZ ESCUDERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with