^

AiAi, ayaw paapekto sa pang-aalipusta ng loyaliStang black pink

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

Napilitang magbigay ng reaksyon si Ai Ai de las Alas tungkol sa Christine Dacera case, ang flight attendant na natagpuang patay sa bathtub nu’ung New “Ayokong masabing sumasawaw ako! Tinatanong ninyo ako!” buwelta ni Ai Ai sa tanong sa renewal niya ng contract bilang endorser ng Hobe Bihon ni Bobby Go sa ika-anim na taon. “Ang sagot ko, ako bilang inang nawalan ng anak, masakit talaga ‘yon so I understand ‘yung nanay ni Cristine. Sana, may she rest in peace kasi nilibing na siya.

“‘Yun namang mga inakasuhan, iba na ang social media ngayon. Sana bago manghusga, himayin munang mabuti ang mga pangyayari bago tayo maging judgmental. Alamin muna natin ang pangyayari, lalo na ‘yung miyembro ng LGBT na nilait na buong pagkatao nila. Paano pa maibabalik ‘yung nasabi against them at ‘yung buhay nila kung mapatunayang inosente sila? Kawawa naman,” dagdag ni Ai Ai.

Ano naman ang feeling niya sa bashing na tinatanggap niya dahil sa Black Pink songs na ginagawa niya? “Hayaan mo lang sila! Hindi naman ako mamamatay sa bashing! Meron namang nagkakagusto. Ako raw ang 5th member ng Black Pink. Gusto ko ‘yon so feeling ko, fifth member talaga ako ng Black Pink! Ha! Ha! Ha!

“Maglalabas nga ako ng tinapay na Blink Bread, colored black and pink, para sa fans ng Black Pink na gaya ko!” deklara ng Comedy Queen.

AI AI DE LAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with