^

Pang Movies

Ellen bagay daw sa life story ni Christine Dacera

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ellen bagay daw sa life story ni Christine Dacera
Ellen

Kung gagawing pelikula kaya ang buhay ng flight attendant na nakitang walang buhay sa bathtub pagkatapos ng party with gay friends, sino kaya ang puwede?

Hanggang sa paglilibing kay Christine Dacera kahapon ay tinutukan sa social media na pulisya pa ang may buhat sa casket niya kaya tiyak umanong kikita ang life story nito sakaling may mag-produce.

May mga nagsasabing kamukha ito ni Ellen Adarna at kahit sa katawan daw ay parang pareho sila.

Wala pang malinaw na findings ang mga nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Ms. Dacera pero ang laki nang nagawa ng interview ni Karen Davila sa programa niyang Headstart last Friday sa apat na kasama ni Christine na mga bading.

Julia and Gerald, versatile ang ‘baby’

Sunud-sunod ang insinuation sa social media ni Julia Barretto tungkol sa real status ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Kahapon sa isang nag-viral na TikTok video ay nag-drop na naman siya ng ‘taken’ status.

Last holidays ay spotted din daw sila sa Baguio at nakikita na rin ang aktres sa beach resort ni Gerald sa Zambales pero wala silang inaaming sila na.

Well, walang masama kung may relasyon sila dahil ang tagal na rin naman na alam ng ibang friends nila na sila naman talaga at ‘di lang umaamin officially sa social media.

Ang suspetsa nga ng followers nila, may baby na sila, na isang dog na St. Bernard na ginawan pa nila ng sariling Instagram account na silang dalawa pa lang ang celebrities na nagpa-follow.

Malaking aso ang St. Bernard na ayon sa google ay versatile and good-natured at sakto sa family na naghahanap ng alagang big dog pero gentle.

Kilalang dog lover noon pa si Gerald.

Maaalalang binanggit niya noon sa interview ni tito Boy Abunda (2017) na nagpapatayo ng hospital building for dogs. 

Nag-launch din ang aktor noon ng Gerald Anderson Foundation na naka-focus sa pagti-training ng dogs for search and rescue operations na ewan kung continues pa.

So wait natin kung kailan talaga sila official na magde-declare ng kanilang relasyon sa social media or sa vlog ni Julia.

Pero true kaya na may possibility na lumipat na rin si Gerald sa Viva na may hawak ng career ngayon ni Julia?

Sa ghosting issue nag-umpisa ang lahat kina Julia at Gerald nang magsalita si Bea Alonzo sa ginawa ng actor sa kanya.

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with