^
Panlasa sa panonood ng pelikula, nag-Iiba na rin

Panlasa sa panonood ng pelikula, nag-Iiba na rin

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 11, 2021 - 12:00am

Naku ‘yun talagang taste sa anumang bagay ‘pag tumatanda ka ay nagbabago.

‘Yung mga storyline na corny para sa iyo ‘pag bata ka pa, ‘pag medyo may edad ka na, iba na ang dating sa iyo. Siguro nga ‘yung emotional maturity ay nagbubukas din sa mga mata mo sa ibang pananaw sa mga bagay.

Like nang mapanood ko ‘yung story ng child abuse sa Korean movie na First Client, at ‘yung sa Because of You na istorya ng isang mentally-challenged na batang babae na nagkaanak na namatay dahil ipinagtanggol siya sa isang bully, naiyak ako. Eh noon bata pa ako, ‘pag ganito ang takbo ng istorya, iisipin ko agad na corny. Ngayon, iniiyakan ko ang sad movies.

At talaga sigurong nalaman din ng producers ‘yung changes sa viewers, ‘yung kung noon ok ang ganito o ganyan istorya, puwede na, baka now iba na rin ang gusto ng manonood lalo na ang mga bata na mahilig sa sine.

Talagang time is changing, at dapat mag-adopt ka sa changes. Now din na sandali lang ang interest span ng bawat tao, dapat alam mo na pakinggan ang mga pagbabago sa gusto nila.

Ay naku, mabilis ang buhay, dapat bilisan mo rin ang pagbabago.

Paglalantad ng mga mamahaling kagamitan, nagpapalakas ng loob sa mga magnanakaw

Pati ang pagpapakita ng mga bag o shoe collection, lalo na ang alahas, dapat ingat-ingat din. Parang tukso iyan sa mga magnanakaw dahil alam na nila ang mga puwedeng kunin sa bahay mo, alam na nila kung nasaan, kung alin ang iiwasan nilang mga bagay. Ang tatalino pa naman ng mga magnanakaw na kahit sa social media ay kaya na nilang pag-aralan ang mga gagawin kaya huwag na tayong mag-tempt o magbigay-tukso.

Sa hirap ng buhay ngayon, sa rami ng walang trabaho, puwede nang kahit anong bagay ay magawa mo para mag-survive. Kung ikaw mismo ang nagbibigay-motibo dahil ipinapakita mo ang mga mamahaling bagay na meron ka, iyon na, puwede ka ngang manakawan. Mabuti kung nakaw lang, baka mamaya ay merong mas grabeng mangyari, mas nakakalokah, ingat-ingat.

MOVIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with