^

Julia at Gerald, inuunti-unti ang pag-amin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 11, 2021 - 12:00am

Amari pala ang pangalan ng St. Bernard dog na hawak ni Julia Barretto sa isa niyang post  na may hawak na white dog. Ang caption ni Julia sa photo ay “New baby St. Bernard” na makikitang ni-like ni Gerald Anderson ang picture. Sabi tuloy ng fans, aso nina Julia at Gerald si Amari na malamang bigay ni Gerald sa kanya.

Braso rin daw ni Gerald ang makikitang katabi ni Julia habang nasa car sila at karga niya si Ama­ri at kung saan, parehong hindi kita ang kanilang mga mukha sa unang post nito.

Naniniwala ang fans na malapit nang umamin sina Julia at Gerald, inuunti-unti lang daw ng dalawa at tila inihahanda ang publiko sakaling umamin na sila.

May mga ilang patunay na raw na in a relationship sina Julia at Gerald at kung totoo ito, hintayin na lang nating pare-pareho ang araw na aminin na nga nilang sila na. Pareho naman silang single dahil break na sila sa kanya-kanyang past relationship.

Meryll, nagpasalamat kay Joem

May posts si Meryll Soriano ng baby nila ni Joem Bascon at may litrato pa sila ni Joem, wala lang makapag-comment dahil disabled ang comment box ng kanyang Instagram.

Ang ganda pa naman ng mga litrato nina Meryll at Joem habang lovingly nakatingin sa baby nila na nasa stroller. Saka ‘yung post ni Meryll kung paano siya alagaan ni Joem, maganda raw mag-comment.

Sabi kasi ni Meryll, “Thank you for taking care of me – US. Your love is unparalleled” habang hawak ni Joem ang kamay niya na nakahawak sa kanyang tiyan.

Well, darating din tiyak ang time na io-open din ni Meryll ang comment box ng kanyang IG para may malayang pakikipag-ugnayan ang netizens sa kanya.

Chef Jose, tambak ang trabaho

Ang daming show ng bagong Kapuso na si Jose Sarasola sa GMA Network at ang maganda pa, naha-highlight ang pagiging chef niya sa kanyang mga show. May segment si Jose sa Unang Hirit kung saan, nagluluto siya.

Nagluluto rin sila ni Iya Villania sa 10-minute show nila na Eat Well, Live Well, Stay Well. Kahit 10 minutes lang ang show, araw-araw naman ang airing at dahil dito, marami silang maise-share na new dishes sa viewers.

Kasama rin si Jose sa fantasy-drama series ng GMA News TV na The Lost Recipe at chef din ang kanyang role. Kaya nagpapasalamat ito sa GMA  dahil ibinigay daw ang concept ng show na gusto niya.

Samantala, Long Distance Relationship o LDR ang relasyon nina Jose at GF niyang si Maria Ozawa. Bumalik daw sa Japan ang GF niya dahil nagsara ang bar nito dito dahil sa lockdown sa COVID-19 pandemic. Kaya mag-isa lang siya sa condo niya at wala siyang nilulutuan.

Masaya raw si Maria nang malamang puro cooking show ang ginagawa niya dahil alam na ito ang kanyang gusto. Natuwa rin daw si Maria nang malamang ang GMA Network at Ajinomoto ang nasa likod ng cooking show nila ni Iya dahil big brand daw sa Japan at hindi totoong masama sa katawan.

Garrett, naalala ang tatay sa ginawang kanta

Dedicated ni Garrett Bolden sa kanyang late father ang bago niyang single na Our Love under GMA Music. Original composition ni Garrett ang song na kuwento ni Garrett, nang kanyang sinusulat, bumalik sa kanya ang the same feeling nang mawala ang tatay niya. “It felt as if I could turn back time, see him, and spend more time with him,” sabi nito.

Dagdag pa ni Garrett, kapag narinig ang kanyang kanta lalo na ‘yung mga kagaya niyang nawalan ng ama, makaka-relate at mami-miss din ang loved ones nila na nawala.

Available na for pre-order ang Our Love sa iTunes at opisyal na itong mapapakinggan sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with