^

Pang Movies

Piolo at Claudine hindi na natuloy!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi pa man natatapos ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio ang big-budgeted movie niyang Mamasapano SAF-44 na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo ay may sisimulan na agad ang bagong film company na movie, ang comeback film project ng actress na si Claudine Barretto na magiging Mother’s Day offering ng kum­panya. The yet untitled movie ni Claudine ay nakatakdang idirek ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos, the same tandem ng Rainbow’s Sunset at May Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment.

Plantsado na dapat ang reu­nion movie project nina Claudine at Piolo Pascual under Star Cine­ma na pamamahalaan sana ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, ang 2Gether Un4ever na noong 2019 pa na-announce pero hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung ito’y matutuloy pa.

Sina Claudine at Piolo ay huling nagtambal sa hit movie na Milan in 2014 na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema.

Viva, gumawa ng mala-Netflix

Although hindi pa rin nawawala ang COVID-19 sa Pilipinas at sa buong mundo, positibo ang pananaw ng marami na unti-unting makakabangon ang Pilipinas, ang ekonomiya at maging ang industriya ng telebisyon, pelikula at entertainment business.

Ganito rin ang pananaw ng maraming celebrities na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at ang hindi inaasahang pagsasara ng ABS-CBN which sent thousands of employees jobless. Kasama na rito ang maraming actors, directors, writers, researchers, technical people at iba pa.

Kahit wala pang kasiguraduhan ang muling pagbubukas ng Kapamilya network, marami ang umaasa na sana’y mangyari ito sa lalong madaling panahon.

Sa bakuran, tuluy-tuloy ang kanilang production hindi lamang sa telebisyon, pelikula, records kundi maging sa paglu-launch nila ng Vivamax na mala-Netflix which they are launching sa darating na January 29.

Sa rami ng iba’t ibang platforms na meron ngayon ang Viva, hindi talaga sila puwedeng tumigil kahit nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya.

Sa launch ng Vivamax on January 29 ay ipapalabas ang Daryl Yap megged comedy movie na Paglaki Ko Gusto Kong Mang #Pornstar kung saan tampok na mga bituin sina Alma Moreno, Rosanna Roces at Maui Taylor.

Sa Vivamax ay P149 per month ang bayad at puwedeng i-share sa tatlo.

On January 30 (Saturday) at 7 p.m. ay sisimulan naman ang bagong reality singing competition na Born To Be A Star to be hosted by Matteo Guidicelli and Kim Molina at tatayong judges sina Andrew E., Teacher Georcelle, Janine Tenoso, Katrina Velarde habang si Mark Bautista ay isa sa mentors. Ang nasabing programa na original concept nila ay siyang papalit sa dating time slot ng local franchise ng Masked Singer Pilipinas kung saan si Daryl Ong ang tinanghal na first grand winner.

Si Daryl ay isa na ngayon sa mga contract talents ng Viva Records.

Naibahagi rin sa amin ni Boss Vic (del Rosario) na magkakaroon umano ng TV series si Julia Barretto na mapapanood sa TV5. Ngayong malapit nang i-launch ang Vivamax ay hindi na magbibigay ang Viva ng material sa Netflix. Co-producer din ang Viva ng Spring Films sa balik-tambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na pinamamahalaan ni Sigrid Bernardo, same director ng hit movie nilang Kita Kita in 2017. Magsu-shoot din sila sa Paris at may titulong Walang Ka-Paris.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with