^

Mga replay na palabas, maraming na-diskubre

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 10, 2021 - 12:00am

May mga mami-miss ako sa mga Q na nangyari o iyon quarantine ngayong pandemic na parang slow paced ng lahat ng bagay pag bumalik na sa dating gawi.

Para bang hindi tulad ng dati na parang laging nagmamadali. Now parang ok lang, hintay muna, huwag magmadali magagawa rin iyan, matatapos din iyan.

Maganda rin iyon ginawa na mga replay ng mga programa, bigla nagkaroon ng chance iyon hindi nakapanood na heto pala iyon palabas noon, ngayon ko lang nakita, maganda pala.

Eye opener na marami ang replay dahil bigla nalaman iyon mga nakasali pala sa project na hindi mo alam nung una. Gaya rin nang pagpapalabas ng maraming pelikula na nagdaan lang at hindi napansin, ngayon naging aware ka na meron palang naging ganitong movie.

Marami rin tayo mami-miss pagbalik sa normal, marami rin tayo nagustuhan sa mga naganap kaya nga lucky us, dahil natikman pa rin natin at na-survive ang 2020.

Basta always let us hope for the best, take the trials in stride, life goes on. 

‘Work Fatigue’

Kahit gaano pa kaganda ang trabaho mo, at kabait ang boss mo, meron talagang tinatawag na work fatigue. Totoo nga iyon balita na may nag-resign sa isang kumpanya pero hindi dahil sa ayaw niya sa management, kundi dahil lang sa parang nangyayari sa writers, nagkakaroon ng fatigue at kailangang mag-recharge.

Tulad ng malalaking kumpanya, siyempre hindi rin naiiba ang Villar Group of Companies, meron magri-retire, meron lilipat sa ibang branch, at meron din naman hayun nga, gusto munang mag-recharge kaya pahinga muna. Hindi naman pala totoo iyon mga usapan na may mga nagaganap na management changes.

Kaya nga sabi ko, iyon mga kumakalat na mga balita na there is trouble in paradise ay isa na naman intriga. Whatever changes o mga pagbabago sa kum­panya, tanggap iyon ng mga employee ng Villar group.

At kung meron man mabago, magbabago, o babaguhin, sure tayo na it will be for the better.

Pero, now pa lang para sa akin, dapat lagi nandiyan sila Avec Amarillo, Nini Rubio at Anna Mae Lamentillo, dahil pag hindi nakuha ng sinuman ang charms at competence nila, malaking block iyon sa magandang image at performance ng kumpanya ng pamilya Villar.

PANDEMIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with