^

Controversial TV host/actress, magiging co-producer ng pinaghahandaang programa

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 10, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, isang TV show pala ‘yung project na sinasabing pinag­hahandaan ngayon ng isang controversial actress na matagal-tagal na rin nating hindi napapanood sa TV.

Ilang beses na ring naudlot ang pagbabalik-TV ni controversial actress, kaya sana, matuloy na ‘yung planong TV show for her.

Ang tsika, ‘yung actor/politician na na-link sa kanya before ang makakapareha niya sa sinasabing TV show.

Tama ba ang tsika na gagawing co-producer si controversial actress sa project na ‘yon?

Sa yaman ni controversial actress, puwedeng-puwede naman siyang makipag-co-produce talaga at mas maganda naman dahil mas matututukan pa niya ang bago niyang TV show if ever.

Claudine nagda-diet para sa kanyang comeback movie

Seryoso pala talaga ‘yung tungkol sa ipo-produce na pelikula ni Atty. Ferdinand Topacio para sa client at BFF niyang si Claudine Barretto.

Kahapon, kinumusta ko si Atty. Topacio kung kailan niya sisimulan ang ­shooting ng pelikula ni Claudine under his production outfit, ang Borracho Films.

Naikuwento nga niya sa akin na pinaghahandaan na ni Claudine ang nasabing pelikula.

 Nagda-diet nga raw ang aktres bago simulan ang nasabing project.

Actually, Ateng Salve, now is the right time naman to diet lalo na at tapos na ang holidays.

Well, go, go, go, Claudine dahil marami na rin ang excited na magbalik-pelikula ka, huh!

Kokoy babalik na sa lock-in

Kung si Kokoy de Santos, Ateng Salve, ay sa Friday pa babalik sa lock-in taping ng Stay-In Love, ang ka-“love team” naman niya sa Gameboy series na si Elijah Canlas ay naka-second taping na kahapon para sa balik-lock-in taping ng Paano Ang Pangako? ng TV5.

Nasa book two na ang nasabing series (na dating Paano Ang Pasko?) at ayon sa isa sa mga direktor nila na si Perci Intalan ay smooth naman ang taping nila ngayon. At least daw, walang bagyo. Noong Paano Ang Pasko? pa kasi sila, ilang beses silang binagyo sa Laguna.

Taping ng Yaya... delayed na naman

May nagtsika naman sa akin na moved na naman daw ang balik-lock-in taping ng First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Sa January 19 na raw uli ang balik-lock-in taping nila.

Ok lang naman na delayed uli ang balik-lock-in ­taping nila dahil hindi pa naman sila umeere. ‘Yun na!

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with