^

Pang Movies

Agimat ni Bong, nagbigay ng pag-asa sa mga stuntman

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Finally, mapapanood na uli sa GMA ang isa sa giant action star sa bago nitong serye na Agimat ng Agila - si Sen. Bong Revilla. Matagal na itong balak ipalabas kaso nagkaroon ng pandemic attack.

Masuwerte naman ang discovery noon ni late German “Kuya Germs” Moreno sa Walang Tulugan, ang Bulakenyang si Sanya Lopez na leading lady ni Bong sa nasabing plabas. Tiyak na sisikat si Sanya sa sandaling ipalabas na ito.

Marami ring mga stuntman ang nabubuhayan ng loob dahil magkakaroon sila ng trabaho sa pagkakaroon uli ng palabas ni Sen. Bong.

Mga tema ng K-drama, dapat tularan

Marami ang nagtatanong kung bakit daw pulos na lang agawan ng lalaki ang tema ng mga teleseryeng pinapalabas sa Kapuso. Nakakasawa na raw na palagi na lang nag-aaway at naglalaitan ang mga artista sa naturang serye.

Teka, kokonti na lang ba ang totoong barako sa showbiz kaya halos magsabunutan ang mga babaeng involved sa istorya? Bakit hindi natin tularan ang mga K-drama na wala masyadong ganitong tema na palaging nagmumurahan sa eksena?

Sa totoo lang hindi naman ganito katakaw sa lalaki ang mga babae nowadays. Ibang tema naman po.

Carla at Rhian, nagpapatalbugan

Sa seryeng Love of My Life naman ay ayaw paawat sa patalbugan ng acting sina Carla Abellana at Rhian Ramos.

First time raw nilang nakasama ang veteran actress na si Ms. Coney Reyes kaya ayaw nilang mapahiya. Madalas ay pulos sila take one lang sa eksena.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with