^

Pang Movies

Frankie nag-apologize sa impassioned tweets

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Frankie nag-apologize sa impassioned tweets

“I will withhold opinions until further, accurate information is dispersed, but i would like to apologize for the initial impassioned tweets here below :((( all my other sentiments, however, remain true — respect is better than protection, and rape is and always will be terrible,” tweet ni Frankie Pangilinan matapos siyang mag-comment sa unang inilabas na findings na ginahasa nga diumano ang flight attendant matapos itong makitang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati matapos ang isang party.

Pero umapela ang mga napagbintangan na mga kaibigan kaya nakalaya ang tatlo na pawang mga gay.

May ibang anggulong pinag-aaralan ang mga police sa kasalukuyan.

Kasabay niyang nag-comment tungkol sa naunang anggulo sina Jennylyn Mercado and Bianca Gonzalez.

Si Bianca ay nag-apologize na rin. “My sympathies go out to Christine Dacera’s family and friends, to everyone who might have been falsely accused in the news, what a nightmare this must be. I sincerely apologize for my tweet that added to the noise that it was “rape.” Sana lumabas ang katotohanan Folded hands.”

Rochelle gaganap bilang inang hirap magbuntis sa #MPK

Tampok sa next episode ng real-life drama anthology na #MPK ng GMA 7 ang madamdaming kuwento ng isang nanay na hirap magbuntis.

Gagampanan ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ang buhay ni Emily, habang si Mike Tan naman ang gaganap bilang nobyo niyang si Rommel.

Maaga sanang nagbunga ang kanilang pagmamahalan ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang ipinagbubuntis ni Emily.

Matutuklasan nila kalaunan na ito ay sanhi ng kaniyang “incompetent cervix,” kung saan mahina ang mga tissue sa cervix na nagdudulot ng premature birth o pagkalaglag ng ipinagbubuntis.

Sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak, magagawa ni Emily na magnakaw sa pinagtatrabahuhan.

Abangan ang kanyang kahihinatnan sa bagong episode na Krimen ng Isang Ina ngayong Sabado, January 9, 8:00 p.m. sa ‘#MPK.’

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with