^
Sharon at Alfred, nambigla sa pagpayat
Sharon at Alfred

Sharon at Alfred, nambigla sa pagpayat

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 8, 2021 - 12:00am

‘Pag talaga siguro gusto mo, puwede mong gawin. Kasi ang daming nabigla sa pagpayat nina Sharon Cuneta at Cong. Alfred Vargas. Parang kailan lang ‘yung very chubby sila, now kitang-kita mo ang pagganda ng kanilang katawan. ‘Yung determination nila, not only to look good pero para na rin sa health nila, nagbunga talaga.

Siguro naman magiging model ni KC Concepcion ang mother Sharon niya para maging very fit at healthy. Mukhang madali namang gawin kung ganitong kita agad ang resulta.

Sana rin sundin ni Councilor PM Vargas, batang kapatid ni Alfred, ang kanyang regimen para mag-lose weight, medyo chubby kasi si PM.

Isa pang gumaganda ang katawan ay si Paolo Contis, talagang from heavy weight ngayon, medium na siya, para bang may pinaghahandaan, hah hah.

Chair Lim, ‘di kinaya ang COVID

Natakot na naman ang lahat dahil sa pagkamatay ni MMDA Chair Danilo Lim sa COVID-19.

Imagine na top official ng gobyerno ay namatay dahil sa COVID-19. Totoong nakakatakot na ang threat ng pandemic na ito, pero hindi rin tayo dapat manatiling takot dahil apektado na ang ekonomiya natin.

Pag-iingat talaga ang kailangan nating lahat para hindi kumalat ang virus, ingatan natin na dumami pa ang casualty.

Nakita natin na kahit ‘yung may kakayahang magpagamot, merong means para makaiwas sana sa sakit, apektado pa rin, kaya dapat talaga, lahat ay gawin natin dahil seryoso ang COVID-19 ‘pag tumama sa tao. Puwedeng lumabas, iwasan lang ang direct contact sa crowd, kailangan talaga ang mask at face shield, talagang dapat malinis ang kamay.

Konting sign na parang masama ang katawan, ipahinga agad, at itanong sa doktor kung ano ang dapat gawin. Be careful, and stay safe.

Our deepest sympathy sa pamilya ni Chairman Danilo Lim. 

ALFRED VARGAS SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with