^

Derek, kinumpara kay Rustom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 8, 2021 - 12:00am

Idinadaan na lang ni Derek Ramsay sa biro ang mga tsikang kaya wala siyang nagtatagal na relasyon dahil bading siya. May mga post na dati si Derek na kunwari nahihiya siya na nalamang beki siya, pero alam mong nagbibiro lang ito.

Muling umingay ang isyung beki si Derek nang mag-break sila ni Andrea Torres. May mga comment na kaya mas gusto niyang kasama ang mga kagaya niyang hunks dahil bading nga siya.

Parang isang bagsakan na lang ng sagot, nag-post si Derek ng quotation card na ang sabi, “I don’t even argue with people anymore because, I started to realize that everybody only understands from their level of perception. So now even if you tell me 2+2 equals 10, you’re right! Enjoy” at “You know the friendship’s real when there’s a rumour you’re gay for each other.”

Sinagot din ni Derek ang comment ng isang basher na ikinumpara siya kay Rustom Padilla at namura pa siya dahil sa pang-iiwan daw kay Andrea. Sagot ni Derek, “unfollow na lang pls.”

Samantala, habang wala pa siyang project sa GMA 7, gagawa muna si Derek ng mala-K-drama series na tatagal ng 12 episodes at para i-promote ang ini-endorse niyang beauty product for men.

Teresa, sarado ang bibig kina Diego at Barbie

Wala talagang problema sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial dahil pabor ang mom ni Diego na si Teresa Loyzaga sa kanilang relasyon. Sa isang date nga ng dalawa, kasama pa nila si Teresa na ipinakitang sarado ang lips niya na ibig sabihin, hindi siya magsasalita.

Comment pa ng netizens, kamukha ni Teresa si Barbie at bagay sa pamilya nila ang Kapamilya aktres.

Anak nina LJ at Paolo, may fans na

May sariling fans si Summer, ang two-year-old daughter nina LJ Reyes at Paolo Contis, kaya hindi kataka-taka na ‘yung birthday post ni LJ para sa anak na birthday kahapon, marami ang nag-like at nag-comment. Post ni LJ: “You have brought nothing but sunshine, my love! Last year has been crazy and you have made each day as bright as a hot summer’s day! The happiness that you have brought into our lives has truly been my strength! Ang bilis ng oras but I look forward to everyday with you – the hugs, the kisses, the playtime, lahat lahat! Minsan nga kahit titigan lang kita, umaapaw na sa kaligayahan ang puso ko! I truly thank God for giving me you! I love you so much Summer! Happy 2nd birthday.”

Tuwang-tuwa ang netizens kay Summer lalo na sa acting video nila ni Paolo dahil sa edad niya, marunong ng umarte. Pinapaiyak, pinapatawa, pinagpo-pose at kung ano pa ang ipinapagawa ni Paolo, kayang-kaya ng bata.

Samantala, nagtatanong ang fans ni LJ kung kailan uli siya magiging active sa acting, lalo’t malaki na si Summer. Sayang daw ang galing ni LJ kung paminsan-minsan na lang siya napapanood umarte.

Mavy at Cassy, dalawa lang ang bisita nung birthday

Dalawa lang ang bisita ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi sa kanilang 20th birthday noong January 6. Bawal pa kasi ang maramihang tao for safety protocols, kaya sa birthday ng kambal, ang parents lang nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang kanilang bisita.

Pero kahit walang bisita, pinag­han­daan pa rin nina Zoren at Carmina ang birthday ng kambal. Ang daming handa nina Mavy at Cassy kahit apat lang silang kakain plus ang kanilang kasambahay.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with