^

Dingdong at Marian, binigyan ng kabuhayan showcase ang mga kasambahay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 8, 2021 - 12:00am

Sinorpresa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang household staff nang magsagawa ang mag-asawa ng mini-celebration para sumaya ang kanilang holidays.

Tatlo ang staff nina Dong at Yan sa kanilang bahay, dalawang babae at isang lalaki.

Nagkaroon ng pa-raffle na bike, laptop at groceries. Bukod sa raffle, binigyan din sila ng pangkabuhayan showcase na laman ay grocery items na puwede nilang gamitin sa hanapbuhay.

Kahit staff ng bahay eh pinahahalagahan nina Dong at Marian ang tulong na ginagawa nila sa araw-araw lalo na sa nag-aalaga sa anak nilang sina Zia at Ziggy, huh!

Claire, nakakita ng pag-asa

Nakakita ng pag-asa ang veteran singer na si Claire dela Fuente nang ma-release sa detention ang tatlong persons of interest sa Christine Dacera case, ang flight attendant na natagpuang patay sa bathtub sa isang hotel sa Makati City.

Ang tatlong pinakawalan dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay sina John Pascual de la Serna III, Rommel Galido at John Paul Halili.

Sa report sa 24 Oras, pumunta si Claire sa Makati police station upang magpakita ng simpatiya sa pinakawalan.

Isa rin kasi sa pinaghihinalaan ay ang anak ni Claire na si Gregorio de Guzman. “Masaya ako for them. Siyempre kung may fighting chance sila, may fighting chance din ang anak ko, ‘di ba?” pahayag ni Claire sa programa.

Isa sa pinakawalan ay naging runner up sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga. Umamin naman ang anak ng singer na bakla siya at hindi nakikipagtalik sa isang babae.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with