^

Pang Movies

Sunshine, associate director na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakabilib si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress kaya hindi kataka-taka kung pasukin naman niya ang pagdidirek. Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz dahil nagsimula siyang isang child actress noon pang 1987. Hindi na rin mabilang ang acting awards na natanggap ni Sunshine at more than 50 movie and TV projects na ang nagawa niya.

Bilang director ng unang Encantadia na gumanap na mga unang set ng mga Sanggre sina Iza Calzado, Sunshine, Diana Zubiri at Karylle, binuo ni Direk Mark Reyes ang Sanggre Production Inc., na sila ang mga producer. Nakagawa na sila ng isang movie, ang Mystified na ipinalabas sa ilang selected theaters then sa iflix.

Ngayon, tamang-tamang tapos na ang lock-in taping ni Sunshine ng Magkaagaw ng GMA 7 na muling magbabalik sa January 18, kaya libre na siyang mag-shoot as associate director ni Direk Mark.

Pinost nila nang magpa-swab test sila sa Philippine General Hospital at nga­yon, naka-lock-in taping na sila sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, na pag-aari ni Kuh Ledesma. Ang eight-episode series ay gagampanan nina Iza Calzado, Ian Veneracion, Lovely Abella, Ketchup Eusebio, Ian Ignacio at Emmanuel Levera. It will stream sa WeTVOriginal this 2021.

Gina, mabibiktima ng love scam

Nakakatuwa ang kuwento ng actress na si Gina Pareño sa Chika Minute ng 24 Oras tungkol sa takot niyang lumabas ng bahay para makaiwas mahawaan ng COVID-19. “Simula ng pandemic, nakakulong lamang ako sa room ko sa bahay, senior na ako, kaya hindi ako pinapayagan ng anak at mga apo ko na lumabas, mahigpit sila,” kuwento ni Gina. “Ako naman sumusunod ako sa kanila, kahit ang hirap dahil mas mahirap magkasakit. Mabuti na lamang, kinontak ako ng Wish Ko Lang para sa isang episode nila, at pinayagan naman ako ng anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang magpa-swab test kami ng cast at negative naman kami lahat. Kaya hayun, nakalabas na rin ako sa room ko para mag-­taping. Sa set, isa sa kasama ko sa cast si Aira Bermudez ng SexBomb, at tinuruan niya akong mag-TikTok, kaya ko pala, ang saya!”

Gagampanan ni Gina ang role ng isang 67-anyos na babae na nabiktima ng love scam. Mahigit isang linggo na siya sa NAIA sa kahihintay niya sa foreigner na nakilala niya sa isang social media site. Nagbigay pa siya ng more than P24K sa lalaki para magkita sila pero hindi siya sinipot ng foreigner.

Mapapanood ang #WishKoLangLoveScam ngayong Sabado, Jan. 10, 4 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng Tadhana.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with