^

Pang Movies

Bong at Lani, walang nagawa nang ma-COVID ang anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa isang intimate get-together with the entertainment press, inamin ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado na bukod sa senador ay kinapitan din ng coronavirus (COVID-19) ang kanilang Davao-based daughter na si Inah Revilla-del Rosario kasama ang mister nitong si Vince del Rosario, tatlong anak pati mga kasambahay at driver na nalaman lamang nila last November na nataon pa sa kaarawan ng kanilang panganay na si Bryan Revilla. “Sobra kaming nataranta nang mabalitaan namin,” pag-amin ng singer-actress at mayor ng Bacoor, Cavite na si Lani Mercado.

“Hindi rin namin sila puwedeng puntahan sa Davao dahil bawal, kaya humingi na lamang kami ng tulong kay Mayor Sara (Duterte) at hindi naman siya nagpabaya,” patuloy ni Lani.

“Nakampante lamang kami nang ibalita sa amin na okay na silang lahat,” dugtong naman ni Sen. Bong na nagpositibo rin sa virus months earlier.

Hindi ikinakaila ng mag-asawang Sen. Bong at Mayor Lani na sobrang napakabigat para sa lahat lalo na sa kanilang pamilya ang taong nagdaan.

Bukod sa pagputok ng Bulkang Taal noong Ja­nuary 2020, ang pagkakaroon ng pandemya, ang sunud-sunod na bagyo at ang pagyao ng ama ni Sen. Bong, ang movie icon at dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr. noong nakaraang June 26, 2020 sa edad na 93.

Inamin ni Sen. Bong na naging kakaiba ang kanilang Christmas celebration at pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa pagkawala ng kanyang ama na regular niyang dinadalaw at kinakausap.

Kung may naganap na kasalan sa pamilya Revilla noong December 15, 2019 sa pagitan ng actor at vice-governor na si Jolo Revilla at dating beauty queen na si Angelica Alita na ginanap sa Newport Beach, California, USA, mukhang may aabangan na namang kasalan sa isa sa mga anak ng mag-asawang Bong at Lani, ang kanilang pang-apat na anak na si Gianna (25) at non-showbiz boyfriend nitong si Jed Patricio na nag-propose noong nakaraang Pasko sa bahay mismo ng mga Revilla. “Actually, nu’ng isang taon pa nagpaparamdam si Jed pero nagka-pandemic kaya na-postpone,” natatawang pahayag ni Bong.

Ayon kay Lani, sa kanya muna unang nagpaalam si Jed tungkol sa proposal pero sinabi ko sa kanya na kausapin si Bong na siya naman niyang ginawa.

Sina Gianna at Jed na childhood sweethearts ay planong magpakasal either sa November this year or January next year depende umano sa weather.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with